^

PSN Opinyon

PBA player,inireklamo dahil sa pananakit sa kanyang buntis na live-in partner

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang inireklamo ng isang buntis na babae ang kanyang live-in partner na PBA player dahil sa pananakit sa kanya?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday kay Fernando Poe Jr., Jo Gonzales, Dr. Ares Abes, Clarisse Sulit, Apa Battad at Patricia "Ping" Lee.
* * *
Alam n’yo bang nagreklamo ang isang buntis na babae dahil sa pananakit sa kanya ng live-in partner nitong basketbolista?

Ayon sa aking bubuwit, noong August 18, 2003 naganap ang pananakit ng PBA player sa kanyang buntis na live-in partner. Ang malungkot pa rito, pati ang isang girlfriend ng basketbolista ay kasama rin sa nanakit sa buntis na babae. Ito ay naganap dakong 11:00 ng gabi sa P. Guevarra St., San Juan, Metro Manila.

Ayon sa aking bubuwit, matagal nang magka-live-in ang biktima at PBA player. Sa katunayan ay meron na silang isang anak. Ayon pa sa aking bubuwit, madalas pala silang mag-away dahil playboy ang basketbolista.

Maraming chiching si PBA player at karamihan ay mga matronang ginagawa niyang sugar mommy. Bukod sa mga matronix beauties ay meron pang iba.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, minsan ay inabutan ng biktima ang PBA player at bago nitong chiching. Sumugod siya.

Nagkaroon ng konting eskandalo kaya inawat siya ng basketbolista. Nang ayaw paawat, nagalit ang basketbolista at ipinagtulak-tulakan siya. Dahil gustong sugurin ng biktima ang siyota ng PBA player, gumanti ito at kinagat pa ang biktima. Ang ginawa ng PBA player, ipinagtanggol ang siyota at sinaktan ang kanyang live-in partner.

Ayon sa aking bubuwit, ang live-in-partner ng PBA player na pinagtulungang saktan ng kanyang lover at chiching nito ay si...

Mabuti na lang at hindi napaanak nang di-oras.

Siya ay si Ms. Cathy Quejada.

At ang sadistang PBA player ay walang iba kundi ang pekeng Fil-Am player na si Davon Harp ng Red Bull.

vuukle comment

APA BATTAD

AYON

CLARISSE SULIT

DAVON HARP

DR. ARES ABES

FERNANDO POE JR.

GUEVARRA ST.

PBA

PLAYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with