^

PSN Opinyon

Tumpak ako! Inutil at pinaglumaan na ang security and surveillance system ng NAIA

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
UPDATE: Tinungo ng aming investigative team sa TV, ang BITAG, ang tanggapan ni NAIA Assistant General Manager for Security and Emergency Services na si Gen. Angel Atutubo kahapon ng tanghali.

Ito’y matapos nila akong tawagan sa aking cellphone upang anyayahang makita ang kanilang security and surveillance system sa loob ng NAIA.

Nagkataon naman na nasa DOTC hanger kami nung mga sandaling iyon habang isinasagawa namin ang shooting ng aking TV spiel para sa episode ng BITAG ngayong Sabado.

Matatandaang sunud-sunod ang aking mga naisulat hinggil sa pinaglumaan at inutil na mga security and surveillance system ng NAIA. Ito ang dahilan kung bakit nila ako inanyayahan.

Ipinakita ni Gen. Atutubo sa BITAG ang kanilang surveillance system. Tumpak ako sa aking mga naisulat. Hindi nagkamali ang aking source sa mga impormasyong ipinagkatiwala niya sa akin.

Aminado si Gen. Atutubo na ang kasalukuyang CCTV system ng NAIA ay mga pinaglumaan na at hindi na naaayon sa pangangailangan ng kanilang surveillance operations center.

Narito ang mga dapat palitan na. 1.) 2 units ng black and white camera na dapat ay fixed color cameras. 2.) 24 unit fixed black and white camera na dapat ay high-sped color PTZ cameras. 3.) 95 units black and white PTZ cameras na dapat ay high-sped PTZ cameras. 4.) 31 black and white color monitors na dapat ay mga malalaking color monitor. 5.) mga video tape cassette tape recorder dapat palitan ng digital video recorder.

Yung ibang mga bagay, puwede pa daw pagtiyagaan sa pamamagitan ng konting ayos (repair) dahil ang mga ito’y "upgradeable" naman daw.

Hindi natatapos dito ang BITAG. Patuloy kaming magmamanman. "Double time" naman ang trabaho ng aming mga "bloodhound" sa loob at sa labas ng NAIA.

Sisiguraduhin ng BITAG na hindi na mangyayari muli yung mga kasalanan ng mga hunghang at hinayupak ng mga dating namuno sa NAIA.

Hindi tulad ng iba, hindi ipinanganak kahapon ang BITAG. Ang alam namin ay gawa, hindi ngawa! Sa mga umaanyaya sa amin, umaasa kami na tutumbasan n’yo ang aming mga kilos at galaw.

AMINADO

ANGEL ATUTUBO

ASSISTANT GENERAL MANAGER

ATUTUBO

BITAG

DAPAT

SECURITY AND EMERGENCY SERVICES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with