Trial by publicity
August 19, 2003 | 12:00am
IBA dati ang kahulugan ng trial by publicity. Tinutukoy nito ang mahilig magparatang ng kung anu-ano nang walang ebidensiya. Sa media lang nag-aakusa, dahil takot mapahiya, mapagalitan o mamultahan ng huwes kung panis ang kasong ihaharap sa Korte.
Ngayon ang akusado na ang nagta-trial by publicity. Dahil matindi ang ebidensiya ng krimen, sa media naglalahad ng depensa, imbis na sa Korte. Halata ito sa mga hirit ni Laarni Enriquez, kabit ni Joseph Estrada.
Kesyo inaapi raw siya ng administrasyong Arroyo kaya dinadawit sa Makati mutiny. Kesyo planted daw ang baril, bala, papeles, banners, armbands at knapsacks ng mutineers na nakuha ng pulis sa bahay niya sa Mandaluyong nung kainitan ng mutiny. Sa media lang lahat ng sagot sa pag-file ng kasong kudeta. At meron namang mga mabababaw mag-isip na nakukumbinsi sa pag-iyak-iyak niya.
Pero ito ang analisahin: Ni hindi naman alam ng pulis nung una na bahay pala ni Laarni ang ni-raid nila. Nag-tip lang sa kanila ang mga kapitbahay na maraming labas-masok na matitipunong lalaki bago mag-coup. Tinugis nila ang rehistradong may-ari ng bahay, si Liezel Magpoc. Dagling umamin si Magpoc na peke ang deed of sale ng bahay sa kanya; si kaibigang Laarni pa rin ang tunay na may-ari. Kaya bakit magpa-plant ng ebidensiya ang mga pulis laban sa isang di-kilalang tao?
Paboritong taktika na nina Erap ang mag-trial by publicity. Dahil sa tindi ng ebidensiya at saksi sa plunder, ayaw na niya magpailalim sa Sandiganbayan. Kesyo sa taumbayan kuno ang batayang lakas ng demokrasya, kaya sa taumbayan na siya magpapahusga. People power na lang daw ang kailangan.
E bakit pa may mga huwes, piskal at abogado kung sa taumbayan ipahuhusga ang mga kaso? Kung susundin ang baluktot na pananaw ni Erap, lahat dapat ng kaso sa Korte ay ipalitis na lang sa publiko. Huwag nang mag-enrol pa sa law school at mag-bar exams. Hindi na kailangan ng mga eksperto sa ibat ibang linya. Huwag na rin kayang magpagamot si Erap sa doktor sa taumbayan na lang din.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest