^

PSN Opinyon

Kung nanalo ang kudeta

SAPOL - Jarius Bondoc -
LEHITIMO ang daing na nilahad ng Magdalo group na dapat ituwid ang katiwalian sa supplies ng AFP. Bakit nga naman pinagmamartsa buong araw at gabi ang mga sundalong butas-butas ang botas? At bakit may tatak-AFP o -PNP ang mga kahon ng bala ng MILF at NPA?

Pero ilehitimo ang paraang kudeta o mutiny para ilahad ang daing. Terorismo ang pagsakop ng isang civilian facility – isang pribadong hotel – at paglatag ng bomba sa paligid nito. Miski pangontra ‘yon sa paglusob ng tropang gobyerno, kapabayaan pa rin sa kapakanan ng mga sibilyan.

Kung nanalo ang Magdalo, martial law na tayo ngayon. Natunton ni Brig. Gen. Vic Corpus n’un pang Hunyo na balak pala nila ibalik si Erap bilang Presidente – pero tatlong araw lang. Tapos, pagbibitiwin para makapagtayo sila ng junta. Patatalsikin lahat ng kolonel at heneral sa AFP. Ite-takeover ang civilian bureaucracy.

Tiyak na magiging malupit ang military rule nila. Tulad ng kay Marcos nu’ng 1973-1986, hindi irerespeto ang sibilyan. Kakaiba ang trato ni Navy Lt-Senior Grade Antonio Trillanes IV sa reporters. Nu’ng unang Oakwood press interview niya nang madaling araw ng Linggo, tinanong siya ng isang babaeng reporter, "Sir, sino ang ipapalit ninyo kay GMA kung umalis siya tulad ng nais ninyo?" Pinandilatan siya ni Trillanes at inusisa: "Nabasa mo na ba ang NRP (National Recovery Program?" Sagot ng babae: "Sir, tanong lang kung sino ang...." Pinutol siya ni Trillanes at tinanong uli kung nabasa na ang bibliya nilang sulat ni Sen. Gringo Honasan na halaw sa masteral thesis niya. "Nabasa ko po," ani reporter. Tinalikuran siya ni Trillanes at sumigaw sa mikes ng ibang reporters: "I demand that the entire nation read the NRP." Sapilitan ang pagbabasa pag napuwesto.

Mas malala si Capt. Milo Maestrocampo. Nu’ng presscon nu’ng hapon, nairita siya sa tanong ng reporters. Tinutok niya ang nakakasang assault rifle at sinigawan sila: "You are part of the problem, you are all part of this corrupt society." Paano pa kaya kung nasa junta na siya?

Magiging bulaan ang gobyerno nila. Walang pinagkaiba sa bulaan ni Capt. Gerardo Gambala na walang kudeta, sabay sugod sa Makati.

CAPT

GERARDO GAMBALA

GRINGO HONASAN

MAGDALO

MILO MAESTROCAMPO

NABASA

NATIONAL RECOVERY PROGRAM

NAVY LT-SENIOR GRADE ANTONIO TRILLANES

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with