^

PSN Opinyon

Kung ako si Ebdane hindi ko na hahanapin si Al-Ghozi

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
TAMA lang ang desisyon ni Presidente Arroyo na huwag tanggapin ang courtesy resignation ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. bunga sa pagtakas ni Indonesian terrorist Fathur Rohman Al-Ghozi at dalawa pang kasamahan sa kanilang kulungan sa Camp Crame. At sa pagkahirang niya kay Ebdane bilang hepe ng Task Force para arukin ang lalim ng kaso sa pagtakas ni Al-Ghozi at dalawang teroristang Abu Sayyaf, ibig sabihin niyan me tiwala pa si Presidente Arroyo sa liderato ng una. At kung babasahing maigi ang mga pronouncements ni Presidente Arroyo, aba mukhang tatagal pa sa puwesto si Ebdane, he-he-he! Sorry na lang kayong mga nag-aambisyon diyan!

Sa ngayon, nabaling ang atensiyon ng pulisya sa tinuran ni Ebdane na may isang heneral at dalawa pang opisyal ng PNP na sa unang bagsak ng imbestigasyon ay may kinalaman sa pagtakas ni Al-Ghozi at kanyang kasamahan sa Intelligence Group headquarters sa Camp Crame. Kumalat sa kampo noong nakaraang linggo ang tsismis pero wala pang linaw kung sino talaga ang tinutukoy ni Ebdane. Hindi magsasalita si Ebdane ng ganyan kung wala siyang pinanghahawakang katibayan, di ba mga suki? Kapag nakaipon ng sapat na ebidensiya si Ebdane laban sa heneral at dalawa pang opisyal, dapat sigurong kasuhan niya ng treason ang mga ito para mabulok sila sa kulungan, he-he-he! Bilang na ang mga araw n’yo mga talipandas at traidor sa bayan.

At tama rin si Dep. Dir. Gen. Virtus Gil, ang deputy for operations ng PNP, na demolition job lang laban sa kanya ang balitang may tumawag sa himpilan ng mga radyo upang ituro siya na nasa likod ng pagtakas ng grupo ni Al-Ghozi. Si Gil kasi ay pinangakuan ni Presidente Arroyo na papalit kapag natapos na ang termino ni Ebdane at mukhang siya sa ngayon ang nasa receiving end ng mga pakulo ng kanyang kalaban sa trono ng PNP nga. Si Gil ay Kapampangan din tulad ni Presidente Arroyo subalit marami ang ayaw na maupo siya dahil sa akusasyon na makikialam ang kanyang asawa sa pamamalakad niya ng pulisya. Kung sabagay may ebidensiya na ukol diyan, hindi ba mga suki?

Kung sabagay, tulad ni Gil ang mahigpit niyang karibal sa trono ng PNP na sina Dep. Dir. Gen’s. Edgar Aglipay at Reynaldo Velasco, ay mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’71. At kaklase nila si Sen. Ping Lacson, na ang anino pa lang ay kinakatakutan na ng Palasyo. Si Lacson ay balak tumakbo sa darating na halalan kaya’t sa tingin ng mga nakausap ko sa Manila’s Finest, eh maitsapuwera itong tatlo, at ’yan nga ang dahilan sa paghirang kay Ebdane sa Task Force hanggang sa mahuli niya si Al-Ghozi. Tiyak mahabang panahon ang pagtatago ni Al-Ghozi, di ba mga suki? He-he-he! Kung ako si Ebdane, hindi ko na hahanapin si Al-Ghozi para manatili sa puwesto.

At dahil sa tiwala ni Presidente Arroyo kay Ebdane, naiwan din luhaan si Dir. Ike Galang, ang hepe ng directorate for operations ng PNP, na maliban sa pagiging Kapampangan eh malapit din sa pamilya ni GMA. Sa desisyon ni GMA, sana matigil na ang bangayan diyan sa PNP natin.

ABU SAYYAF

AL-GHOZI

CAMP CRAME

EBDANE

EDGAR AGLIPAY

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

PRESIDENTE ARROYO

SI GIL

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with