Sa budget na napupunta sa DepEd, 60 porsiyento ang pasuweldo sa mga guro at 40 porsiyento naman ang laan sa pagpapagawa ng mga eskuwelahan.
Edukasyon ang prayoridad pero sa takbo ng mga pangyayari ay mapupuna ang lack of quality education. Maraming panukala ang inilahad para matugunan ang problema. May mga nagmumungkahi na sanay 20 porsiyento ng pork barrel ng mga senador at congressman ay ilaan sa edukasyon. Ang bawat senador ay P200 milyon ang pork barrel taon-taon, samantalang P65 milyon ang pork barrel ng bawat kongresista. Isa pa ring suhestiyon ay ang pagsasara ng mga opisina na duplikado ang trabaho ng mga kawani. Makatitipid ng P1.5 bilyon sa bawat taon sa pagbuwag ng 14 non-performing government agencies at ang halagang ito bukod pa sa fantastic salaries ng napakaraming government consultants ay malaking dagdag sa budget ng DepEd para mapabuti ang standard at kalidad ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan sa bansa.