Ang darating na pag-uusig

PUMILI si Jesus ng mga alagad upang tulungan siya sa kanyang misyon. Subalit katulad ng pag-uusig ng mga Judio kay Jesus, ganoon din mauusig ang mga alagad. Basahin ang Mt. 10:16-23

"‘Ngayon, sinugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Maging matalino kayo, gaya ng mga ahas, at matapat, gaya ng mga kalapati. Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo. Huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito’y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

"Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. Kapag inuusig nila kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo: Hindi pa ninyo napupuntahan ang lahat ng bayan ng Israel ay darating na ang Anak ng Tao."


Tinagubilinan ni Jesus ang mga alagad na magpunyagi sa harap ng mga pagsubok. Ipapahayag ng mga alagad na ang paghahari ng Diyos ay darating na. Tatanggihan ito ng mga nakikinig sa kanila gaya nang pagtanggi nila kay Jesus.

Di-dapat kaagad-agad na magpasya ang mga alagad na maging mga martir. Kailangang maging matalino sila tulad ng mga ahas. Di-nila dapat painitin ang mga tao laban sa kanila. At di-nila dapat ihantad ang kanilang mga sarili sa panganib. Subalit kapag sila’y inuusig na, hindi sila dapat mabahala. Ang Espiritu ang magbibigay sa kanila ng mga salita ng karunungan.

Show comments