Walang dahilan para tumaas ang presyo ng semento ngayon. Pero ang balita koy mayroon pang mga tiwaling negosyante na sa hangaring magkamal nang malaking tubo ay labis-labis kung magpresyo ng kanilang itinitindang semento. Katunayan, nagpalabas na ng matinding warning si Trade and Industry Secretary Mar Roxas sa mga cement manufacturers na silay kakasuhan at papatawan ng mabigat na parusa kapag silay nag-overprice.
Ayon kay Roxas, walang rason para tumaas ang presyo ng semento. Tag-ulan ngayon at madalang ang konstruksyon kaya mahina ang demand sa semento at iba pang materyales sa konstruksyon. Bukod diyan, ang pamahalaan ay naglagay ng safeguard sa importasyon ng semento para protektahan ang mga lokal na manufacturers. Kapag bumuhos nga naman ang mga inangkat na semento ay talo ang mga lokal na tagagawa. Dapat sanay tumanaw ng utang na loob ang mga local manufacturers sa ginawang ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng mababang presyo para sa mga consumers.
Pinakilos na ng DTI ang mga regional at provincial offices nito para matamang imonitor ang presyo ng semento sa gitna ng mga reklamo na may mga tiwaling negosyanteng nag-ooverprice.
Ngunit ang ikapagtatagumpay ng ano mang kampanya ng gobyerno ay nakasalalay din sa kooperasyon ng taumbayan. Kung tayoy namimili at inaakala nating ginugulangan tayo ng ating binibilhan, huwag nating ipagwalang-bahala ito. Naririyan ang DTI na handang umaksyon sa ating mga reklamo.