^

PSN Opinyon

Ang misyon ng 12 alagad

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SI Jesus ay may misyon. Subalit ibinahagi niya ang misyong ito sa labindalawang alagad. Kinailangan niya ang kanilang tulong. Kayrami nang dapat makarinig ng Mabuting Balita. Lalo’t higit darating ang panahon na siya’y babalik muli sa Ama at iiwanan ang pagpapahatid ng Mabuting Balita sa buong mundo sa mga alagad. Tingnan natin kung sinu-sino ang pinili ni Jesus at pakinggan ang mga tagubilin Niya sa labindalawa. (Mt. 10:1-7).

"Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; sina Felipe at Bartolome; si Tomas, at si Mateo na publikano; si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong makabayan at si Judas Iscariote, na nagkanulo kay Jesus.

"Ang labindalawang ito’y sinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan: ‘Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. Humayo kayo at ipangaral ninyo na malapit nang maghari ang Diyos. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay.’"


Nakita ni Jesus ang mga tao bilang mga tupang walang pastol. Nahabag siya kaya sinugo ang mga alagad upang pangalagaan ang mga ito. Binigyan niya sila ng kapangyarihan na magpalayas ng mga demonyo. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang ipaliwanag sa kanila na ito ay nangangahulugan na darating na ang paghahari ng Diyos sa mga tao.

Dapat nating alalahanin na sa ating binyag, tayo’y sinugo upang ipahayag ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa bawat tao. Lalo’t higit doon sa mga taong hindi pa nakaririnig sa Mabuting Balita.

vuukle comment

ALFEO

ANDRES

BARTOLOME

BINIGYAN

DAPAT

DIYOS

FELIPE

JUDAS ISCARIOTE

MABUTING BALITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with