^

PSN Opinyon

Menor de edad sa mga piitan

SAPOL - Jarius Bondoc -
HINDI tiyak ang bilang, pero maraming menor de edad sa mga piitan. Dinampot sila ng pulis dahil sa bagansiya o sumisinghot ng rugby. ‘Yung iba sangkot sa mas malalang krimen: nang-agaw ng cellphone o lookout sa akyat-bahay. Sa dami ng trabaho, hindi sila maasikaso ng pulis. O kaya, hindi alam ng pulis ang dapat gawin sa kanila. O kaya, iniiwan sila sa rehas para may mautusan.

Labing-apat na taong gulang pa lang si Ryan (binago ang ngalan). Di niya alam ang gagawin nang itapon siya sa madumi’t madilim na kulungan. Puro may edad na ang kasama niya roon; karamihan ay labas-masok na kumbaga. Dahil walang abogado o social worker, nasa kamay na lang nila – at ng ilang abusadong pulis – ang kapalaran ni Ryan.

Sinuntok siya’t sinipa bilang tradisyunal na pagsalubong sa mga bagong bilanggo. "Takal," ika nga sa salitang preso. Makalipas ang ilang araw, kinursunada siya ng gang. Binantaang gugulpihin uli kung di pumayag magpa-tatoo. Taglay niya ngayon ang limang itim na tuldok-tatak ng Sigue-Sigue Sputnik.

Ano kaya ang tumatakbo sa murang-isip ni Ryan? Alam ba niyang karapatan niya sa Konstitusyon at sa UN Convention on the Rights of the Child na alagaan ng Estado? Iniisip niya kayang lumaya at magbagong-buhay, o sumama sa gang sa mga gimik at raket oras na makatakas?

Idinudulog ng Preso Foundation si Ryan kay Interior Sec. Joey Lina. Ayon sa batas, ani president Msgr. Antonio Rañada SVD, dapat ay ilipat si Ryan sa bahay-ampunan ng Department of Social Welfare and Development. Pakiusap niya kay Lina, bilang chairman ng National Police Commission at tagapamahala ng Bureau of Jail Management, na iutos sa lahat ng piitan sa presinto na alamin agad kung sino ang mga menor de edad at ilipat sila agad sa kamay ng social workers ng DSWD. Siya nawa.
* * *
Dapat bang payagang mag-asawa si Bishop? Alamin kay Msgr. Nico Bautista sa Linawin Natin, mamayang alas-11 nang gabi, sa IBC-13.

ANTONIO RA

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INTERIOR SEC

JOEY LINA

LINAWIN NATIN

MSGR

NATIONAL POLICE COMMISSION

RYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with