Napaka-pangkaraniwan ni Jesus

ANG pagkakatawang-tao ni Jesus ay nagsasabi sa atin na ang Anak ng Diyos ay naging tao. Siya ay napakapangkaraniwan. Katulad siya ng mga taga-Nazaret. Basahin ang Mk. 6:1-6.

"Umalis doon si Jesus at nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, ‘Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?’ At siya’y ayaw nilang kilanlin. Kaya’t sinabi ni Jesus sa kanila, ‘Ang propeta’y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.’ Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya."


Si Jesus, anak ni Jose at Maria ay isang karaniwang batang lalaki. Nag-aral siya. Natutunan niya ang pangangarpintero mula sa kanyang amang si Jose. Natutunan niya ang magdasal mula kay Maria.

Siya’y tulad din natin. Ang tanging kaibahan niya ay: Hindi siya nagkasala at wala siyang bahid ng kasalanan. Samantalang tayo ay makasalanan. Kung kaya’t siya’y naging tao upang alisin ang ating pagkamakasalanan ang gawin tayong tulad niya. Ibinalik niya ang katarungang ating iniwala. Ibinigay niya sa atin ang pagkamatuwid na ating itinapon dahil sa ating kasalanan. Binigyan niya tayo ng buhay na walang hanggan.

Show comments