Sampolan ang mga 'satanas sa lupa'
July 6, 2003 | 12:00am
LUMALAKAS ang panawagan na panahon na para bitayin ang mga mahahatulang traffickers para mas lalong maging epektibo ang all-out war against illegal drugs. Dapat nang sampulan ang mga binansagang satanas sa lupa.
Ayon kay Sen. Robert Barbers, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, noong panahon ni dating President Marcos ay na-firing squad ang drug trafficker na si Lim Seng. Halos nalipol ang mga drug traffickers at 80 porsiyento ang bumagsak sa operation ng droga.
Pabor si Barbers na isagawa na ang pagbitay sa mga drug lord na nakahanay sa lethal injection subalit idinagdag ni Barbers na marami ang kokontra at maging sa senado ay marami ang magpapahayag na itoy violation of human rights.
Napag-alaman na isa sa 10 Pilipino ay drug addict. Ayon sa ulat ng PDEA, 3.4 milyong Pilipino ang drug users samantalang ayon naman kay Cavite Rep. Gilbert Remulla, 8 milyong Pilipino ang sangkot sa drug problem kabilang na ang ilang tiwaling alagad ng batas. Sinabi ni Barbers na totoong may mga scalawags sa kapulisan pero mas marami pa rin ang matitino at tapat sa pagtupad ng batas.
Saan mang dako ay paksa ng usapan ang droga at marami ang pabor na bitayin ang mga drug lords. Sa radio program na Dos Por Dos nina Anthony Taberna at Gerry Baja ay maraming tumawag at nag-text na dapat na iutos ni Presidente Arroyo ang pagbitay sa mga drug lords para mas lalong maging mabisa ang kampanya sa ilegal drugs.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am