Mr. Pedroche,
Isa po ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong pahayagang PSN. Bago ang lahat nais ko kayong batiin ng magandang araw. Naway tumagal ang iyong tapang sa paghahayag ng mga katiwalian ng mga government officials lalu na yung may kinalaman sa paglaganap ng droga sa ating bansa.Dapat sibakin ang limang top ranking officials ng present administration na protektor ng mga drug lord. Kahit sa loob ng New Bilibid Prisons ay laganap ang shabu. Ang 5 top ranking military officials ay aktibo sa kasalukuyang administrasyon. Kaya kahit ano ang gawing pagsugpo (sa droga) ay ningas cogon lang iyan. Noong direktor pa si Vicente Vinarao ay libre na ang pasok ng shabu basta may lagay ka sa gate 4. Doon idinadaan ang mga epektus. Kung may inipit kang malaking halaga, hindi na bubuksan o iinspeksyunin. Sa mismong Dagupan City ay may laboratoryo ng shabu. Sa may Pantal district. Sa may pantalan mismo. Bayan pa ito ni Speaker de Venecia.
Dapat ay i-drug test ang mga pulis sa Dagupan at Binmaley, Pangasinan. Maraming pulis doon ang involved sa droga. Nabuwag man ang laboratoryo sa Parañaque, may mga malalaking branch iyan sa Cebu Island, Mindoro, Zamboanga na mahirap matagpuan. Mayroon pa sa Bulacan. Dahil mga top ranking regional officials ay may patong na malaki. Hindi na importante kung sino ako. Hindi rin ako interesado sa milyong pisong pabuya dahil hindi ako naniniwala sa batas sa ating bansa. Kahit mali ay tama bastat may pera ang kalaban. Nagmamalasakit lang ako sa ating mga kabataan na biktima ng shabu.
Hanggang dito na lamang at mabuhay kayo sa matapang na pagwawagayway sa mga bulok na trapo lalo na yung mga protektor ng kasamaan.