Paglilinis-bakuran trabaho ng PDEA
July 1, 2003 | 12:00am
MASUSUBUKAN ang galing ng Philippine Drug Enforcement Agency sa pagpapatupad ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Lumaganap ang droga dahil sa kutsaba ng tiwaling pulis, piskal at huwes sa mga sindikato. Sa konting suhol, binababaan ng pulis ang dami ng nakuhang droga, para palabasing user at hindi pusher ang nahuli. Pinalalabo ang investigation report para mahanapan ng butas ng piskal. O kaya hindi sumisipot sa korte para mag-witness.
Ang piskal, hinihimas ang kaso para gumaan at makapag-bail ang suspek. Pinatatalo ang kaso sa pamamagitan ng pag-miss ng deadlines ng filing. Ang huwes, naghahanap ng technicality para palayain ang suspek. Kung alien, tumatalilis na sa ibang bansa. Kapag na-convict, pinapayagan naman ang drug lord na magpatuloy sa pagbebenta habang nasa kulungan.
Pero sa ilalim ng RA 9165, bumigat ang parusa sa tiwa- ling opisyal. Kung pagaanin ang kaso ng drug lord, makukulong habambuhay o kaya bitay, at multang P500,000-P10 milyon. Sibak sa puwesto at di na puwede magtrabaho sa gobyerno. Ang trato kasi ng bagong batas sa mga nakiki-kutsaba sa drug lord ay parang taga-sindikato na rin.
Mabigat man ang parusa ng batas, nasa PDEA kung masusunod ito. Kung meron pa ring tigas-ulong pulis, piskal o huwes na tutulong sa drug lord, kailangan pa rin patunayan ng PDEA. Hindi puwedeng haka-haka lang. Dapat may ebidensiya para makulong ang tiwaling opisyal. Kasi, sanay sa raket ang mga ka-sindikato sa hanay ng pulis, piskal at huwes. Kabisado nila ang pasikut-sikot ng batas.
Talasan sana ni PDEA chief Anselmo Avenido ang pang-amoy sa tao. Kailangan niya ng mga operatiba na di lang sinsero kundi mahusay at masipag sa pagkalap ng ebidensiya. Huwag na sana maulit ang pag-infiltrate ng mga ahente ng drug lords mula sa PNP Narcotics Group nung binubuo pa lang ang PDEA. At huwag na sana makapasok ang iba pang drug users, tulad ng mga nag-positive sa drug test sa PDEA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended