Ang Ebanghelyo para sa kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Jesus ay mula kay San Juan (Jn. 19:31-37).
"Nooy araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga (sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito). Kayat hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Jesus. Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig. Ang nakakita nito ang nagpapatotoo tunay ang kanyang patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya upang kayoy maniwala. Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinabi ng Kasulatan, Walang mababali isa man sa kanyang mga buto. At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan, Pagmamasdan nila ang kanilang inulos."
Ang napakarubdob na pagmahahal ni Jesus ay makikita nang inulos ng sibat ang kanyang tagiliran ng isang sundalo nang siya ay nakapako sa krus, at umagos ang tubig at dugo mula sa naturang tagiliran. Ang kamatayan ni Jesus sa krus ay ang ating pagkatubos mula sa ating mga kasalanan. Ang mga braso ni Jesus na nakadipa sa krus ay sagisag ng pagnanais niya na mailigtas ang lahat ng tao. Ang lahat ng tao mula kay Adan hanggang sa panahon ng kamatayan ni Jesus. At lahat ng tao, babaet lalaki, mula sa kamatayan ni Jesus hanggang sa ating kapanahunan ngayon.
Ito ay dapat magpadama sa atin ng pag-asa at pagtitiwala na tayoy maliligtas at makakasama ng Ama at ng Espiritu, gaya ng niloob ng Ama, Anak at Espiritu para sa bawat isa sa atin.