^

PSN Opinyon

Kapistahan ng banal na puso ni Jesus

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG Kabanal-Banalang Puso ni Jesus ay sagisag ng napakadakilang pagmamahal Niya para sa sangkatauhan. Ang pagmamahal na ito ay ipinamalas sa Kanyang malupit na kamatayan sa krus. Ang pagmamahal na ito ay ipinakikita sa pagpapakain sa atin ng Kanyang katawan at pagpapainom sa atin ng Kanyang dugo.

Ang Ebanghelyo para sa kapistahan ng Kabanal-banalang Puso ni Jesus ay mula kay San Juan (Jn. 19:31-37).

"Noo’y araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga (sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito). Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Jesus. Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig. Ang nakakita nito ang nagpapatotoo – tunay ang kanyang patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya – upang kayo’y maniwala. Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinabi ng Kasulatan, ‘Walang mababali isa man sa kanyang mga buto.’ At sinabi naman ng ibang bahagi ng Kasulatan, ‘Pagmamasdan nila ang kanilang inulos.’"


Ang napakarubdob na pagmahahal ni Jesus ay makikita nang inulos ng sibat ang kanyang tagiliran ng isang sundalo nang siya ay nakapako sa krus, at umagos ang tubig at dugo mula sa naturang tagiliran. Ang kamatayan ni Jesus sa krus ay ang ating pagkatubos mula sa ating mga kasalanan. Ang mga braso ni Jesus na nakadipa sa krus ay sagisag ng pagnanais niya na mailigtas ang lahat ng tao. Ang lahat ng tao – mula kay Adan hanggang sa panahon ng kamatayan ni Jesus. At lahat ng tao, babae’t lalaki, mula sa kamatayan ni Jesus hanggang sa ating kapanahunan ngayon.

Ito ay dapat magpadama sa atin ng pag-asa at pagtitiwala na tayo’y maliligtas at makakasama ng Ama at ng Espiritu, gaya ng niloob ng Ama, Anak at Espiritu para sa bawat isa sa atin.

ADAN

ANG EBANGHELYO

ARAW

ESPIRITU

JESUS

KABANAL-BANALANG PUSO

KANYANG

KASULATAN

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with