^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Labu-labo na vs ilegal na droga

-
MAS marami ay mas magulo. Mas maraming nagpapatakbo, mas walang nabubuo. Ganyan ang nakikitang senaryo sa bagong pakikipaglaban ng gobyerno laban sa mga salot na drug traffickers. Mula nang magdeklara nang pakikipag-giyera si President Gloria Macapagal-Arroyo sa drug syndicates ay nagkaroon na agad ng mga problema kung sino ang tatanghaling drug czar. Lumutang si Sen. Robert Barbers na nagpakawala na kaagad ng mga maaanghang na paratang laban kay Sen. Panfilo Lacson. Rumesbak si Lacson kay Barbers at nagbatuhan ng putik. Lumutang ang pangalan ni dating Manila Mayor Alfredo Lim at ang dalawang retired police officers na sina Lucio Margallo at Reynaldo Jaylo. Lumulutang din ang pangalan ni Interior Sec. Jose Lina Jr. Naglaan ang gobyerno ng P1 bilyon at tinaningan ng tatlong buwan ang problema sa illegal drugs.

Sa pagsulpot ng mga personalidad kaugnay sa bagong pakikipaglaban sa ilegal na droga tila nawawalan naman ng papel ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pinamumunuan ni Anselmo Avenido Jr. Ang PDEA ay isang ahensiya na itinatag mismo ni Mrs. Arroyo para masupil ang problema sa droga. Nasasapawan ang PDEA at ngayo’y hindi malaman kung sino nga ba ang maykapangyarihan para malupig ang drug syndicates. Ang "apat na alas" ba o si Mrs. Arroyo na tinawag na drug czarina? O si ex-mayor Lim na tinawag na "Dirty Harry" na naging popular sa pag-spray ng pulang pintura sa pintuan ng mga suspected drug traffickers. Si Lim, ayon sa rekomendayon ni Barbers ang presidential adviser. Bago ang appointmnent kay Lim, sinabi ni Barbers na handa siyang magbitiw sa Senado para hawakan ang posisyon na iaatang ni Mrs. Arroyo.

Labu-labo sa pakikipagdigma sa drug syndicates. Walang makitang solidong grupo o indibidwal na hahawak para labanan ang sindikato. Si Mrs. Arroyo ang dapat magresolba ng ganitong problema para lubusang mapaigting ang paglaban sa illegal drugs. Habang nag-aagawan at nagbabangayan kung sino ang mamumuno kontra sindikato, tuwang-tuwa naman ang mga drug traffickers sapagkat hindi sila magkasundo. Tuloy ang kanilang ligaya sa pagtutulak ng shabu. Patuloy ang paglikha nila ng mga halimaw sa bawat barangay sa buong Pilipinas. Patuloy ang pagtaas ng krimen na nagiging dahilan kung bakit marami na ang nahihintakutang lumabas ng bahay.

Isang ahensiya na lamang ang atasan ni Mrs. Arroyo para lumaban ng puspusan sa sindikato. Mas marami mas magulo. Mas maraming namumuno mas walang nabubuo.

ANSELMO AVENIDO JR. ANG

DIRTY HARRY

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INTERIOR SEC

JOSE LINA JR. NAGLAAN

LUCIO MARGALLO

MAS

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with