^

PSN Opinyon

Gustong magkaroon ng sariling bahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay nangungupahan ng bahay dito sa Las Piñas at nangangarap ako na magkaroon ng sariling tahanan.

Mr. Secretary paano po ba ako makakapag-avail ng inyong proyektong pabahay? Magkano po ba ang buwanang bayad at mayroon ba rito sa parteng Las Piñas? Ang lugar kasi ng aking trabaho ay sa Cupang, Muntinlupa.

Hihintayin ko ang inyong kasagutan at umaasa na hindi ninyo pababayaan ang mga katulad ko. Naniniwala ako sa inyong kakayahan. – CLEMENTE G.


Makakapag-avail ka ng proyektong pabahay ng Pag-IBIG kung ikaw ay miyembro ng Pag-IBIG. Dahil ikaw ay nagtatrabaho, tanungin mo sa inyong kompanya o ahensiya kung ilang buwan ka ng miyembro ng Pag-IBIG. Kung ikaw ay nakapaghulog na ng 24 na buwanang kontribusyon, maaari kang mag-aplay ng housing loan sa Pag-IBIG. Ang housing loan ay maaari mong gamitin upang bumili ng bahay at lupa o kaya naman ay pambili ng lupa at pampatayo ng bahay.

Sa kasalukuyan, walang proyekto ang Pag-IBIG diyan sa Las Piñas, subalit meron sa Muntinlupa. Ang proyektong ito ay tinatawag naming Medium Rise Housing para sa karagdagang detalye maaari kang tumawag sa telepono bilang 847-2517/10 upang makausap mo ang developer ng project. Para naman sa proseso ng pag-apply ng housing loan, maaari kang tumawag sa Housing Loans Origination sa telepono bilang 848-8228/811-4174.

Padadalhan kita ng sulat kung sakaling may itinatayo ng mga murang pabahay sa Las Piñas. Maraming salamat sa iyong sulat at pagtangkilik sa PSN. SEC. MIKE DEFENSOR

CUPANG

DAHIL

DEAR SEC

HOUSING LOANS ORIGINATION

LAS PI

MEDIUM RISE HOUSING

MIKE DEFENSOR

MR. SECRETARY

MUNTINLUPA

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with