^

PSN Opinyon

Masama bang mag-sex araw-araw?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA MAHAL Public Service TV show ay maraming pagkakataong tinalakay ang paksa tungkol sa sex. Sa pagdaraan ng mga taon, sa makabagong panahon at pag-unlad ng teknolohiya ang sex ay favorite subject maging sa mga nagte-text.

Isang kaibigan ang halos araw-araw ay nagpapadala ng green jokes na bagamat ang iba ay sobrang malaswa ay nakakatawa at pamawi ng lungkot, pagkabagot at pagod. Maging sa eskuwelahan ay may sex education na. Dati’y nagkakamalisya, nagugulumihanan, nagba-blush, tumataas ang kilay at nahihiya kapag-sex ang pinag-uusapan ngayon ay normal na ang paksang ito.

Sa mga naging panauhin naming sex therapists naitanong kung ano ang maipapayo nila kung ilang beses ang dapat pagtatalik. May mga xexologists na nagsabi na minsan o makalawa sa isang linggo dapat na magsiping ang mag-asawa. Batay sa isang global study on sexual attitudes ang behavior, normal na tatlong beses mag-sex sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Dr. Rosie King, isang Australian sex therapist na dumalaw sa Maynila noong isang taon, dapat na mag-sex hangga’t gusto at kaya ng sexual partners. Idinugtong ni Dr. King na sex is often dictated by opportunity rather than desire. Sabi niya batay sa global study sa iba’t ibang nationalities mas maraming taga-Belgium at Spain ang nagse-sex araw-araw.

AYON

BATAY

DATI

DR. KING

DR. ROSIE KING

IDINUGTONG

ISANG

MAYNILA

PUBLIC SERVICE

SEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with