Panay ang ratsada ni GMA sa Mindanao. Binubuhusan niya ang lugar na ito ng kanyang di-pangkaraniwang atensiyon at halos lahat ng tulong ay ibinibigay niya sa mga mamamayan dito na ang karamihan ay mga Muslim na matagal nang napabayaan.
Pati mga tauhan niya sa Malacañang ay pinaiikut-ikot niya. Si Nani Braganza ay ginawang Presidential Adviser on Political Affairs. Ang pumalit sa puwesto ni Braganza ay si Usec Milton Lingod. Dalawa na ngayon ang namamahala sa political affairs samantalang hindi naman daw tatakbo na si GMA sa 2004.
Urong-sulong si GMA kung tatakbo siya o hindi sa 2004. Desidido na sana siya na hindi na tumakbo noong nakaraang taon dahil sa pagbaba ng kanyang rating. Subalit mula noon ay gumanda na naman ang performance niya lalo na nang bumisita siya sa US.
Naghahanda na si GMA na tumakbo sakali mang gumanda ang tanawin para sa 2004. Kung matutuloy ang pagkandidata ni GMA sa pagka-UN Sec. General, siya pa rin ang mamimili sa papalit sa kanya. Maaaring si Danding Cojuangco ang pipiliin niya. Abangan.