EDITORYAL Dalawin din ang BIR, Customs at DPWH
June 15, 2003 | 12:00am
UNAY mga police stations ang dinalaw ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Nahuli niya sa akto ang isang station commander na hindi naka-uniporme. Nagkumahog sa pagbibihis subalit hindi siya nakaligtas sa singasing ng galit ng Presidente at agad inilipat sa ibang puwesto ang pulis. Nilektyuran ni Mrs. Arroyo ang pulis tungkol sa pagiging handa. Naging aral ang nangyari sa mga tutulug-tulog na pulis.
Kasunod ng police station ay ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) naman ang isinunod ni Mrs. Arroyo. Nairita si Mrs. Arroyo sa kaluwagan ng seguridad sa airport. Maraming sasakyan ang hindi naiinspeksiyon. Maaaring makapasok ang mga terorista at makapagtanim ng bomba dahil sa kaluwagan ng seguridad. Sa harap ng maraming tao ay sinabon ni Mrs. Arroyo si NAIA Gen. Manager Edgardo Manda. Kakamut-kamot sa ulo si Manda. May natamong aral ang NAIA sa pagtataray ni Mrs. Arroyo.
Noong Lunes, ang Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue, Quezon City ang sinorpresang dinalaw ni Mrs. Arroyo. Umapaw ang galit ng Presidente nang makitang alas-kuwatro pa lamang ay isinasara na ng mga teller ang kanilang booth gayong ang closing time ay alas-singko ng hapon. Mas lalo pang sumagad ang galit nang hindi matagpuan doon si LTO Chief Roberto Lastimoso. Nahalukay ang tungkol sa Early Warning Device (EWD) na pinagkakakuwartahan ng mga corrupt sa LTO. Ang EWD na mabibili lamang ng P150 sa labas ay lumalabas na P400 sa mga nagbebenta sa loob ng LTO. Kinansela ni Mrs. Arroyo ang tungkol sa EWD.
Kulang pa ang singasing ng galit na ipinakita ni Mrs. Arroyo sa nangyayaring katiwalian sa LTO. Dapat na laliman pa ang paghalukay para nadakma na ang mga buwayang walang kabusugan sa nasabing tanggapan. Talamak ang lagayan doon. Kung anu-anong raket ang sumisingaw para may pagkakitaan.
Nasimulan na rin lang ni Mrs. Arroyo ang sorpresang pagbisita sa mga government offices, bakit hindi pa niya gawing palagian ang pagbisita. Bakit hindi niya isunod na dalawin ang Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs at Department of Public Works and Highways? Kapag ang mga nabanggit na tanggapan ang kanyang sorpresang dinalaw, tiyak na marami siyang matutuklasan na mas nakagigimbal pa kaysa sa LTO, NAIA at mga police stations. Makikita niya ang umaalingasaw na kabulukan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended