Presyo, kalidad ng school supplies, bantayan
June 14, 2003 | 12:00am
PASUKAN na naman. Karaniwang reklamo ng mga magulang at estudyante ay ang mataas na presyo at mababang kalidad ng mga gamit sa paaralan.
Last week, naggala si Trade Secretary Mar Roxas sa University Belt. Okay naman at makatuwiran ang presyo ng mga gamit sa paaralan. Walang overpricing. Pero nakita niya ang ilang kaso ng mislabelling ng mga notebooks at padpapers. Ibinebenta nang kulang sa dahon o pahina. Maliwanag na dinadaya ang pobreng mga magulang at estudyante. Sanay pag-usigin agad Mr. Secretary ang mga hantarang mandarayang traders na ito. Bulukin sa kalaboso ang mga iyan!
Nagpulong ang National Price Coordinating Council (NPCC) para gumawa ng karampatang aksyon sa reklamo ng mga consumers. Wish ko lang, sana pati matrikula ay makontrol na rin ng gobyerno dahil marami nang mga magulang ang halos cant afford nang papag-aralin ang kanilang mga anak. Pero hindi na saklaw iyan ng NPCC.
Ayon kay Trade and Industry Secretary Mar Roxas, ang monitoring ng presyo ng mga school supplies ay naglalayong mapangalagaan ang mga consumers laban sa walang patumanggang pagtaas sa halaga ng mga gamit sa paaralan. Lekat, mataas na nga ang matrikula, pati ba naman gamit ng mga estudyantey tataas pa? Makukuba na ang pobreng mga magulang na average earners lang. At kung hindi na nila kayang magpaaral ng anak, eh di darami ang mga mangmang at walang pinag-aralan!
Ang NPCC ang highest policy-making inter-agency body na naitatatag upang tiyakin ang katatagan ng presyo ng mga bilihin. Miyembro rito ang mga departamento ng agrikultura, kalusugan, justice, transportation at mga kinatawan mula sa mga mangangalakal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am