^

PSN Opinyon

Human sa smuggling lumala sa hirap

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAGTALO sa Texas jail ang dalawang TNT (tago nang tago), Pilipino at Mexicano. Para matigil si Chicano, humirit si Pinoy: "Hoy, ako dumating dito sakay ng jet plane. Ikaw puslit lang sa bulok na truck ng kamatis."

Totoo nga naman: Naka trans-Pacific flight siya. Pero nakakulong pa rin, tulad ng libu-libo pang Pinoy sa dose-dosenang bansa.

Nu’ng 1997, sabi ng International Labor Organization, 4.6 milyong overseas Filipino workers ay ayos ang papeles, pero 1.7 milyon ang hindi. Lumala pa. Nu’ng 1999, ayon sa Dept. of Foreign Affairs, 3 milyon sa 7 milyong OFWs ay "undocumented" o puslit lang. Nadadagdagan pa ito ng 300,000-450,000 kada taon sa Europe.

Kahirapan ang sanhi ng pagti-TNT. Marami nawalan ng trabaho simula nu’ng 1997 Asian financial crisis. Natigang pa ang lupa nu’ng El Niño ng 1999 at 2002.

Kahirapan din ang dulot ng pagti-TNT. Kung hindi man kalaboso, sa mala-aliping trabaho at suweldo bumabagsak ang biktima.

Ilan sa TNT ay biktima ng illegal recruiter. Nilokong magbayad ng malaki para sa walang-kuwentang trabaho, at ipinuslit pa sa airport at airplane dahil kulang o fake ang papeles. Ang iba naman ay kusang-loob na nagpapuslit para makipag-sapalaran sa ibang bansa. Angal ng Italian embassy, mahusay ang travel agencies mag-fake ng dokumento tulad ng bank certificates, titulo sa lupa at diploma. Nu’ng 1999, 23 aplikante ng tourist visa ang nabistong nagbayad ng tig-P200,000 para sa fake papers. Maaalalang 4,200 passports ang ninakaw sa Isabela nu’ng 1998, at 1,240 ang nawala sa Lucena.

Kasabwat man ang bibiyahe o biktima ng illegal recruiter, sa airport mahaharang ang kulang o fake ang dokumento. Dahil sa paghihigpit sa NAIA at iba pang airport, human smuggling na ang ginagawa ng mga sindikato. Di lang Pinoy, kundi pati dayuhan ang pinupuslit patungong Amerika at Europe. Kamakailan lang, 29 Tsino ang nahuli sa NAIA papuntang Canada.

AMERIKA

ANGAL

DAHIL

EL NI

FOREIGN AFFAIRS

IKAW

ILAN

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

KAHIRAPAN

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with