^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panibagong dagok sa Simbahang Katoliko

-
Sa press conference ng isang grupong sumusuporta sa mga kababaihan, may nagsabi na ang isang babaing nakaranas ng sexual harassment ay hindi basta-basta magsusumbong o magrereklamo kung walang katotohanan ang kanyang mga akusasyon. Hindi umano maaaring ipahiya ng babae ang sarili sa pagsusumbong na siya ay dumanas ng pagyurak sa kanyang pagkababae. Ganyan ang sinasabi nila sa 34-anyos na dating sekretarya na nag-akusa ng sexual harassment kay Bishop Teodoro Bacani. Inilantad ng sekretarya ang umano’y dalawang beses na pag-sexual harassed sa kanya ni Bacani na ang pinaka-huli ay nangyari noong March ng kasalukuyang taon. Ang akusasyon ay mariin namang itinanggi ni Bacani. Hindi raw aniya totoo ang lumabas sa mga report. Sa pangyayari, nayayanig na naman ang Simbahang Katoliko sa panibagong kontrobersiya. Ang una ay ang tungkol kay Antipolo Bishop Crisostomo Yalung na nagkaanak sa isang 26 na dalaga.

Ang sexual harassment ay maaaring maganap sa trabaho, school at sa iba pang training related environment na kinasasangkutan ng employer, employee, manager, supervisor, agent of the employer, teacher, instructor, professor, coach, trainor o iba pang may impluwensiya o awtoridad. Nakasaad ang mga ito sa Anti-Sexual Harassment Act of 1995 o tinatawag na RA 7877. May kaparusahang anim na taong pagkabilanggo ang sinumang lalabag sa batas na ito.

Sa panahong ito hindi lamang ang sekretarya ni Bacani ang may problema tungko sa sexual harassment. Maraming iba pang kababaihan na dumaranas ng sexual harassment subalit sinasarili na lamang nila sa takot na mapahiya o kaya’y sa takot na kasuhan ang kanilang boss o trainor o maging professor. Ito ang dahilan kung kaya patuloy ang pagkakaroon ng sexual harassment. Sinasarili ang problema at hindi nagsusumbong. Ang iba naman, makaraang ma-sexual harassed ay magre-resign sa trabaho para lamang makaiwas sa susunod pang pangha-harassed. Kaya hindi natitigil ang mga nangse-sexual harassed ay sapagkat walang nagsusumbong sa kanila. Ang ginawang paglantad ng secretary ni Bacani ay isang magandang halimbawa na dapat tularan ng mga dumaranas ng sexual harassment.

Sa kontrobersiyang ito na nayayanig ang Simbahang Katoliko, ang hinahanap ng marami ay ang katotohanan ng mga akusasyon. Nararapat lumabas ang katotohanan.

vuukle comment

ANTI-SEXUAL HARASSMENT ACT

ANTIPOLO BISHOP CRISOSTOMO YALUNG

BACANI

BISHOP TEODORO BACANI

GANYAN

HARASSMENT

SEXUAL

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with