FG Mike kalusin mo ang jueteng operations ni Ngongo Caluag
June 1, 2003 | 12:00am
DAPAT sigurong iutos na ni First Gentleman Mike Arroyo sa PNP na kalusin na ang jueteng operations ni Melchor Caluag alias Ngongo para malinis niya ang kanyang pangalan. Kasi nga kung magsasawalangkibo na lamang si FG Mike lalong maniniwala lang ang sambayanan na talagang kinakalong niya ang jueteng ni Ngongo. Sa ngayon pang bumabango ang pangalan ng kanyang asawang si Presidente Arroyo, dapat hindi na magpatumpik-tumpik si FG Mike sa kanyang desisyon na lipulin ang jueteng ni Caluag, lalong madadagdagan ang 60 porsiyentong Pinoy na humahanga o susuporta kay Presidente Arroyo kapag tumakbo siyang muli, di ba mga suki?
Ayon sa mga nakausap kong pulis sa Camp Crame, si Caluag pala ay bumabanggit ng pangalan ni FG Mike sa kanyang jueteng operation. Kayat hindi nagtataka ang sambayanan kung bakit nakapag-expand pa si Caluag sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas kahit nahuli na at nakulong pa noong isang taon sa kasagsagan ng jueteng campaign ni Interior Secretary Joey Lina. Ang ipinagyayabang pa ni Ngongo, may porsiyento sa gross niya sa jueteng hindi lang si FG Mike kundi maging ang isa pang mayabang na opisyal ng Pampanga, he-he-he! Sobrang yabang talaga ni Ngongo, no mga suki? Tingnan natin ngayon ang tigas mo.
Pero kahit hindi pa naglabas ng kautusan si FG Mike ay kaliwat kanan na ang isinagawang raid ng mga tauhan ni Chief Supt. Manuel Cabigon, ang bagong hepe ng Task Force Jericho, dito sa mga puwesto ni Caluag sa Pampanga at Tarlac. Mukhang nasasaktan na si Caluag kayat kahit sinu-sinong padrino na ang ginagamit niya para lang mapahinto na niya ang wasiwas ni Cabigon sa mga jueteng joints niya. Ewan ko lang kung bibigay si Cabigon kay Caluag eh sobrang bagyo ang padrino niya sa katauhan ni FG Mike nga, anang mga pulis na nakausap ko.
Sa panahon ngayon ng tsismis kung saan ang halos lahat ng anomalya sa gobyerno eh isinasangkot si FG Mike aba dapat kumilos na siya. Isang magandang ehemplo ang gagawin niya kapag nabura na sa Pilipinas itong jueteng operation ni Caluag dahil mapapatunayan niya sa sambayanan na mali ang mga paratang laban sa kanya at katha lamang ng mga kalaban sa pulitika ng asawa niya. Hindi kasi titigil ang pagkalat ng mga masasamang balita laban kay FG Mike kung walang sapat na katibayan na makikita ang mga kababayan natin tulad ng pagpatigil ng jueteng ni Caluag nga, di ba mga suki?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended