^

PSN Opinyon

Ang Espiritu ng Katotohanan

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Madalas pinag-uusapan natin ang Ama. Tinutukoy din natin si Jesus, ang Anak. At tumatawag tayo sa Espiritu. Sa katunayan, sila ay palaging nagkakaisa at sama-samang gumagawa. Iyan ang sinasabi sa Ebanghelyong ating pagninilayan ngayon (Jn. 16: 12-15).

‘‘Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, ipapahayag ang mga bagay na darating. pararangalan niya ako, sapagkat sa akin magmumula ang ipahahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.’’


Isinugo ni Jesus ang Espiritu sa mga alagad. Ipinaliwanag nito sa kanila at binigyan sila ng pagkaunawa tungkol sa buhay, mga gawa at mga salita ni Jesus. Ang Espiritu ang nagbibigay-liwanag sa kanila kung bakit si Jesus ay nagpakasakit at namatay. Binigyan niya ang mga alagad ng lakas ng loob at katatagan.

Ibinigay din sa atin ni Jesus ang Espiritu. Kung kaya’t ating nauunawaan ang buhay ni Jesus gaya ng pagkakapahayag sa mga Ebanghelyo. Pagkat ang mga Ebanghelyo ay iniakda ng mga ebanghelista at ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ni Jesus na sumasaatin ang siyang nagpapaunawa sa atin hinggil sa mga mapagligtas na gawain ni Jesus. Binibigyan niya tayo ng lakas ng loob at tapang upang isagawa ang hinihingi sa atin ni Jesus na dapat nating gawin.

ANAK

ANG ESPIRITU

BINIBIGYAN

BINIGYAN

EBANGHELYO

ESPIRITU

ESPIRITU SANTO

JESUS

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with