Lilipulin daw ni Lina ang video karera! Lilipulin daw o!
May 21, 2003 | 12:00am
PANAY ngawa at walang gawa si Interior Secretary Joey Lina. Nangako na naman kasi si Lina na lilipulin niya ang video karera sa bansa at siyempre ang naiiwang tulala ay ang sambayanan na hindi pa makalimutan ang sumemplang na kampanya niya sa jueteng nga. Dapat tama na ang dada at panay aksiyon na lang ang gawin ni Lina dahil sawa na ang taumbayan sa mga patutsada niya. Kung minsan maging seryoso naman sana si Lina para maibalik niya ang tiwala ng sambayanan sa kanya.
Sa kanyang programa sa radio station DZMM noong Sabado, may tumawag at nagtanong kay Lina ukol sa parang kabuteng makina ang video karera nina Buboy Go, Randy Sy, Romy Gutierrez, Sacho sa Maynila at Benny A. sa Quezon City. Aba, ang isinagot ni Secretary Lina ay lilipulin niya ang mga makina at ikinatawa naman ng mga pulis na nakikinig sa kanya. Alam ng mga pulis na nambobola lang si Lina. Kasi nga gustong palabasin ni Lina na umaaksiyon siya sa problema pero pagkatapos ng programa niya nakakalimutan na niya ang reklamo ukol sa video karera nga. Ang tanong ngayon, paano pa maniniwala ang sambayanan sa yo Secretary Lina Sir eh alam nila panay bola ka lang, Hehe-he! Dapat daw mag-iba ka na ng trabaho. Puwede kang singer, anila.
Presko pa kasi sa isipan ng sambayanan ang pangako rin noon ni Lina na ipapasara niya ang jueteng sa bansa. Eh lumampas na ang May 6 deadline ni Lina at tingnan nyo mga suki at namamayagpag pa rin ang jueteng sa mga probinsiya at ang magpapatunay niyan ay itong maraming huli ng Task Force Jericho sa pamumuno naman ni Chief Supt. Manuel Cabigon. Ni walang respeto si Lina sa sambayanan dahil hindi siya nag-sumite ng report card kung ano ang kinalabasan ng jueteng campaign niya. Kung noon paulit-ulit niyang ipinangalandakan na ipapaputol niya ang kanyang leeg kapag hindi niya napasara ang jueteng sa ngayon naman panay iwas ni Lina sa isyu. Hanggang kailan ka maging pipi sa isyu ng jueteng ha Secretary Lina, Sir?
Para mapatunayan mong may kakayahan ka para habulin itong video karera dapat ang unang gawin mo Secretary Lina Sir ay magpadala ng tao doon sa three-storey residential building ni Buboy Go sa Nolasco St., Moriones, Tondo at maaaktuhan mo ang operation niya. Unahin mo si Buboy Go Sir para magtiklupan na rin ang iba pang maliliit na video karera operators. Noon kasi, hindi naman nakapaglatag ng makina si Buboy Go sa siyudad ni Manila Mayor Lito Atienza. Pero nang ma-promote si Chief Supt. Pedro Bulaong, ang hepe ng Western Police District (WPD) eh nagbago ang takbo ng hangin at nakapaglatag nga si Buboy Go. At ang masama pa niyan ayaw itaas nina Atienza at Bulaong ang kanilang mga kamay na bakal laban kay Buboy Go. Sa magkano kayang dahilan? He-he-he! Kayo na ang maghusga niyan mga suki.
Kung masabi nating bolero si Lina eh ganoon na rin ang tingin ng mga magulang ng mga kabataan dito kay Mayor Atienza. Panay bulsa at kinabukasan nila sa pulitika ang inuuna samantalang ang mga sigaw nila o reklamo ukol sa naglilipanang video karera ni Buboy Go ay isinasangtabi nila.
Tinitiyak naman ng mga magulang na dahil mahilig mambola sina Lina at Atienza, eh bobolahin rin nila sila sa darating na halalan. Weather-weather lang, anila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am