Lolo nanggahasa ng 13 anyos
May 20, 2003 | 12:00am
SI Lolo Dolfo ay 70 anyos. Kinakasama niya si Matilde, lola ni Betty,13-anyos.
Isang gabi, pinasok ni Lolo Dolfo ang kuwarto ni Betty at pinagsamantalahan ito. Wala nang magawa si Betty kundi umiyak sa sakit na naranasan.
Kinasuhan si Lolo Dolfo ng rape. Naging saksi ang nakababatang kapatid ni Betty na si Lanie. Ayon sa testimonya ni Lanie, nakita niya si Lolo Dolfo na ginagahasa si Betty. Ayon din sa medico-legal officer na nagsagawa ng pagsusuri kay Betty, nagkaroon ito ng multiple hymenal laceration na maaaring sanhi ng pagpasok ng anumang bilog o makinis na bagay.
Itinanggi ni Lolo Dolfo ang akusasyon sa kanya. Sinabi niya sa Korte na hindi niya magagawa ang panggagahasa dahil ang kanyang sekswal na pagnanasa ay wala na dahil sa kanyang katandaan. Inamin din niya na na-ospital siya dahil namaga ang kanyang ari, kaya wala na siyang kakayahang magkaroon ng penile erection. Subalit idinagdag niya na masaya pa rin sila ni Matilde sa aspetong sekswal. Sapat na ba ang mga dahilang ito para mapawalang-sala si Lolo Dolfo?
HINDI. Ayon sa Korte Suprema, ang katandaan ng isang lalaki ay hindi dahilan ng pagkawala ng interes sa sex o imposibleng pagsasagawa nito.
Ang pag-amin ni Betty kahit na sa murang edad ay nagpatunay na may katotohanan ang ginawang panggagahasa sa kanya ni Lolo Dolfo. Ang pagsailalim niya sa pagsusuri at ang pagbibigay ng testimonya sa Korte na nagbigay ng kahihiyan sa kanyang pamilya ay hindi naging hadlang.
Nahatulan si Lolo Dolfo ng rape at nasentensiyahan ng reclusion perpetua at pinagbayad ng P100,000 na bayad-pinsala (People of the Philippines vs. Lustre, G.R. No. 134562 April 6, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended