Abogado, papel ay manggulo
May 19, 2003 | 12:00am
BASTA pumasok na ang abogado, gulo tiyak. Kita ito sa pagdakip ng US marshals kay Rod Strunk. Tumili agad ang abogado niya sa Maynila na unfair daw ang pagkulong dahil hindi naman nagtatago si Strunk, na suspect sa pagpatay kay Nida Blanca. Halatang nais lang ng abogado na makakuha ng simpatya para sa kliyente.
Alisin natin ang palabok. Hinuli si Strunk kasi wanted sa Pilipinas, na ka-extradition treaty ng US. May warrant of arrest nga sa kanya galing sa Pasig court. Kung hindi nagtatago si Strunk, e bakit ayaw niyang harapin ang kaso sa Pilipinas, rason ng pag-isyu ng warrant? At kung unfair ang paghuli, bat hindi sa US magtitili ang abogado imbis na sa local media?
Sa kaso ng nagtatagong PNP Col. Raffy Cardeño, ginugulo rin ng abogado. Kesyo wala siyang contact sa kliyenteng suspek sa pagbaril kay Baron Cervantes. Kung wala silang contact, pano siya kinuhang lawyer?
Pinaka-magulo sa lahat ang lawyers ni Joseph Estrada. Tuwing nagkakasabit-sabit sa hearings sa Sandiganbayan, tumatakbo sa media para igiit ang bersiyon nila sa pangyayari sa loob ng Korte.
Dala na ang madla sa mga abogado. Ang tatalo lang sa kanila sa panggugulo ay mga politiko. Kaya siguro tuwing may Congress inquiry, bawal magsalita ang mga abogado ng witnesses.
Dati nang ganyan ang mga abogado. Pati si Abraham Lincoln, isa sa pinaka-mahusay ng Presidente ng US, magulo rin sa Korte nung bata pang lawyer. Isang umaga, masigasig siyang nagtalumpati para sa isang kliyente sa Korte, at sa hapon kabaligtaran naman ang kasing-sigasig na talumpati niya para sa ibang kliyente sa harap ng parehong judge. Nang pinansin ito ng judge, walang-kurap siyang sumagot, "Kaninang umaga, your honor, alam kong tama ako, pero ngayong hapon tiyak akong mas tama ako."
Mga abogado na mismo ang madalas magsabi na nung una ay tahimik ang mundo nang nilikha ng Diyos ang magsasaka, mangingisda at mangangaso. Tapos, nilikha Niya ang abogado. Naiba na ang takbo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am