'Disenteng manyakis' ng PR/Advertising Dept. ng PAGCOR
May 5, 2003 | 12:00am
MR. Dodie, malaki ang respeto ko sa propesyong ito. Gayun din sa aking mga kasamahan na maituturing kong mga propesyunal sa ginagampanan nilang trabaho.
Kung nainis ka dahil nagawa nitong magandang TV host na mailusot ang isang hidden cam at tagumpay na naisagawa niya ang interview lingid sa inyong kaalaman, hindi ito dahilan sa iyong kabastusan at kamanyakan.
Alam kong ginamit ng isang kilalang broadsheet ang kaniyang materyales at naging daan ito kung kayat nalagay kayo sa malaking kontrobersiya noon.
Maaaring nagngingitngit ka sa galit sa nagawa nitong si Bernadette, pero hindi pa rin ito sapat na dahilan na para maitabla mo ang laban, sa mata ng mga "nasa itaas" mo, haharap sa yo si Bernadette nang hubot hubad para lang mainterview ka?
Sariwa pa rin sa aking mga tenga ang sinabi mo doon sa kausap mo sa telepono. "Kapag nakahubad na siya, di maghuhubad na rin ako. Pareho na kaming hubot hubad ngayon." Sinabayan mo pa ito ng malakas na halakhak.
Pasimple na kaming umalis. Sa totoo lang, nandiri ang kasama kong staff na babae sa iyong mga sinabi. Hindi siya makapaniwala na matindi pala ang iyong "sexual discrimination".
Nagtataka ako, papaano ka ba nailagay sa posisyon mong yan, PR/Advertising Department ka pa naman? Naintindihan mo ba ang kahalagahan ng posisyon mong yan? Alam kaya ito ng Bigkis Pinoy?
Hindi ako magtataka kapag may isang empleyado diyan sa PAGCOR na magrereklamo ng "sexual harassment" laban sa yo. Hudyat na ito na dapat ay magbago ka na, Dodie!
Nakaabot na rin sa aking kaalaman, hindi pa umiinit yang silyang iyong inuupuan bilang pinuno ng PR at Advertising, marami ka nang mga nakabangga, partikular sa media.
Iisa ang kanilang reklamo. Ang lakas daw ng dating mo. Dapat siguro ay bawasan mo ng kaunti ang iyong kayabangan. At bago mo ibuka ang iyong bibig, siguraduhin mo munang tumpak ka sa iyong mga sinasabi.
Payong kapatid Dodie, kaunting ingat lang sa iyong mga pinagsasasabi dahil makakasira ka sa PAGCOR. Ikaw na mismo sa PR Department ang sumisira sa institusyong dapat mong i-"build up".
Matatawa sayo kahit sino. Hindi pa tapos ang 2nd quarter, pinoproject mo nang malulugi ang PAGCOR? Dahil sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), natatakot na ang mga taong mag-casino? Rumor mongering ito Dodie! Susmaryosep, delikado ka!
Ang alam ng mga nasa media ay record-breaking ang performance ng PAGCOR. Kumita ito ng P5.05 billion. Malaki ang naitutulong ng kumpanyang iyong pinagtatrabahuhan sa ating bansa.
Ang problema sa iyo Dodie, hanggat hindi mo iniisip ang iyong sinasabi, lingid sa iyong kaalaman, "youre beginning to sound as a bearer of bad news for the institution that you represent."
I think that youre doing a great disservice to PAGCOR. Its time for you to shape up or ship out!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest