^

PSN Opinyon

Physical activities ng mga buntis

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MARAMING bawal sa mga babaeng buntis. Kesyo masama ang pag-eehersisyo at kumain nang marami at iba pang sinasabing makasasama sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

Maraming matatandang paniniwala o pamahiin lalo na sa mga probinsiya kaugnay sa pagbubuntis. Ang lahat ng ito’y itinuturing na passe sa modernong pamumuhay.

Kamakailan, nalathala sa Sydney, Australia ang report ng Australian Medical Association na nagmumungkahi sa mga pregnant women na magkaroon ng physical activities. Kabilang sa physical activities na ito ng mga buntis ay ang marathon. Ayon sa samahan ng mga OB-GYN walang masamang epekto ang paglalaro sa mga buntis. Any kind of sports puwera lang iyong sobrang mabibigat at strenous ay puwede sa mga buntis.

Ayon sa mga obstetricians at gynecologists na Australyano ang physical activities ng mga buntis ay dapat na isagawa ng katamtaman. Ayon pa rin sa mga Australian doctors ang fetus ay parang gold fish na nasa plastik na puno ng tubig na kahit na kalugin o bulabugin ay hindi mapipinsala. Sa mga pregnant women na mahilig sa sports ay kadalasang malulusog at matitipuno ang mga anak. Pinapayo rin sa mga nagdadalantao na maging maingat sa kanilang pagkain, huwag kumain ng matatamis at fatty foods, iwasan ang pagpupuyat, huwag maninigarilyo at mag-take ng illegal drugs na lubhang makaaapekto sa kanilang mga sanggol.

vuukle comment

AUSTRALIAN MEDICAL ASSOCIATION

AUSTRALYANO

AYON

BUNTIS

KABILANG

KAMAKAILAN

KESYO

MARAMING

PINAPAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with