^

PSN Opinyon

'Disenteng manyakis' ng PR/Advertising man ng PAGCOR

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KAAKIBAT namin ang ilan sa mga Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) tulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa aming pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Malaki ang naitutulong ng dalawang nabanggit sa aming mga gawain araw-araw partikular sa aming action center. Binubuo ito ng mga dalubhasang staff ng aming radio, TV at print division, "Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO" at ng BITAG.

Makakatiyak kayo na "de-kalidad" ang aming serbisyo sa publiko . Makabuluhan, masustansiya ang nilalaman ng aming mga production. .

Tatak na sa amin at hindi mawawala ang matapang na paglalantad ng katotohanan. Taas noo kong haharapin ang sinuman at ipamumukha kaninuman kapag sila’y wala na sa katuwiran.

Tahasan kong sasabihin sa kolum na ‘to na may paninindigan at prinsipyo kaming sinusunod sa BST TRI-MEDIA CONCEPT UNLIMITED, producer ng BITAG at ng "Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO".

Hindi kami "nabibili" at "ipinagbibili kung paninindigan at prinsipyo na namin ang nakataya. Malungkot sabihin, ang aming prinsipyo na pinaglalaban ay paminsan-minsan naglalagay sa amin sa alanganin.

Sa salitang ingles, "this is the price that we have pay for our principle. We have to face the consequence. "
* * *
WALA sa aking prinsipyo at hindi ko estilo gamitin ang kolum kong ito sa pansariling kapakanan. Ngunit hindi ako magiging tapat sa aking sarili kapag hindi ko inilantad ang isang taong hindi karapat-dapat sa kanyang kasalukuyang posisyon diyan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation o (PAGCOR).

Alam ko na ang taong ito na namumuno sa advertising and PR department ng PAGCOR ay nailuklok sa kaniyang posisyon dahil sa lakas ng kanyang kapit sa pagiging kasapi ng BIGKIS-PINOY.

Sa aming unang pagkikita pa lamang bilang kurtisiya sa kaniyang bagong posisyon nung mga panahong ‘yun, nabastusan agad ako sa taong ito. Alam ko magkakaproblema ang institusyon na kanyang pinaglilingkuran.

Hindi ko siya pinalagpas, ipinaabot ko agad ang kanyang "kamanyakan" sa kay Chairman Efraim Genuino. Mismo si chairman na ang humingi ng dispensa nang huwag ng lumaki ang isyu.

Diretso ako sa aking pananalita. Wala akong itinago kay chairman. Naniwala ako sa sinabi ni chairman na ang bawat tao ay dapat bigyan ng pagkakataong magbago. Tama si chairman.

Ngunit ang isang tao’y handang magbago lamang kapag inamin niya ang kaniyang pagkakamali. Sa salitang ingles, "until he realized his mistakes, he is bound to commit the same mistake over again."

Sa harapan ko mismo at ng aking staff, narinig ko ang sinabi nitong manyakis na magpapa-interview lamang sa host ng programang "mala-fairy godmother". Wish daw nitong manyakis na hunghang na maghubo’t-hubad muna sa harapan niya ang magandang host bago siya magpa-interview.

May kausap siya sa telepono nung mga oras ding ‘yun nung sinabi niya, "kapag nakahubad na siya di maghuhubad na rin ako pareho na kaming hubo’t hubad ngayon." Sinabayan niya ito ng malakas na halakhak.

Makinig ka Dodie, bago mo ilagay sa malaking kahihiyan ang PAGCOR, natatandaan mo ba ang iyong pagkakamali? Kung inaamin mo puwes dapat lang humingi ka ng dispensa sa taong iyong binastos at iyong pinagnasaan.

ALAM

AMING

CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED CORPORATION

IMBESTIGASYON

NGUNIT

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with