^

PSN Opinyon

Listahan ng housing projects

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay empleyado ng gobyerno at miyembro ng Pag-IBIG. Nais ko sanang bumili ng bahay ngunit ang pambayad nito ay gusto ko sanang kunin mula sa Housing Loan ng Pag-IBIG. Ngayon ay nais kung kumunsulta sa inyong tanggapan kung may listahan po kayo ng iba’t ibang housing project ng Pag-IBIG o NHA dito sa Manila. Maari ba akong tumawag sa inyong tanggapan upang magtanong sa mga detalye?

Sana ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na makapag-may-ari ng sariling tahanan para sa aking asawa at mga anak.
J. ESCOLANO

May listahan ang aming tanggapan ng mga housing projects ng Pag-IBIG, NHA at maging mga pribadong developers hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa buong Luzon, Visayas at Mindanao. May listahan din kami ng mga bahay sa ilalim ng Rent-to-Own Program at Medium Rise Buildings ng Pag-IBIG at NHA. Mangyari lamang na tumawag sa Public Affairs Office sa telepono bilang 811-41-98 upang maibigay sa inyo ang mga iba’t ibang lokasyon ng bahay. Makukuha n’yo rin dito ang telepono ng mga iba’t-ibang tanggapan ng developers na may mga proyektong pabahay sa mga lugar na gusto ninyo.

Tumawag lamang kayo at nakahanda ang aming mga empleyadong tumulong at sumagot sa inyong mga tawag.

vuukle comment

DEAR SEC

HOUSING LOAN

LUZON

MAARI

MEDIUM RISE BUILDINGS

METRO MANILA

MIKE DEFENSOR

OWN PROGRAM

PAG

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with