Gustong mag-apply sa Rent-to-Own Program
April 27, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Defensor,
Ako ay isang empleyado at miyembro ng Pag-IBIG ng halos tatlong taon na. Gusto ko sanang magkaroon ng sariling bahay at lupa sapagkat pamahal nang pamahal ang binabayad ko sa aking boarding house. Maaari po kaya akong mag-apply sa Rent-to-Own Program? Meron kayang maliiit lamang na bahay na puwede ko munang upahan at saka ko na lamang bibilhin? A. Ortega
Maaari kang mag-apply ng rent-to-own kung ikaw ay may buwanang suweldo na hindi bababa sa P4,000.00 kung ikaw ay wala pang housing loan sa isang financial institution pribado man o sa gobyerno. Upang ikaw ay maging eligible, kinakailangan din na hindi ka pa naging beneficiary ng Rent-to-Own Program. May imbentaryo ang Pag-IBIG sa kung anong mga bahay ang maaaring makuha sa pamamagitan ng Rent-to-Own, maging ang mga lokasyon nito.
Iminumungkahi kong makipag-ugnayan ka sa tanggapan ng Pag-IBIG Asset Disposition sa Ortigas Branch para sa karagdagang detalye at impormasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest