^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Peace talk sa MILF ibasura

-
KALIMUTAN ang nakalaang developmental package na nagkakahalaga ng $114 million kapag nagtagumpay ang peace talk sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sayang lamang ang halagang ito na nakalaan sa pagpapaunlad ng mga lugar sa Mindanao sapagkat hindi rin tiyak kung magiging seryoso ang mga rebelde sa usapang pangkapayapaan.

Wala nang kontrol ang pamunuan ng MILF at iba’t ibang grupo na nila ang lumulutang at nagsasabog ng lagim. Kapag may nangyaring kaguluhan, mabilis naman sa pagtanggi ang kanilang spokesman na si Eid Kabalu. Hindi na dapat magkaroon ng usapang pangkapayapaan sapagkat ang MILF mismo ay hindi alam kung ano ang kahulugan ng kapayapaan.

Isang buwan makalipas ang pangho-hostage ng MILF sa may anim katao sa Midsayap, North Cotabato, sumalakay na naman ang mga rebelde kamakalawa at 16 na sibilyan ang kanilang pinatay at 10 ang grabeng nasugatan sa Kolambugan, Lanao del Norte. May 600 rebelde ang sumalakay at kung hindi nakipagbakbakan ang mga sundalo, may 300 katao ang kanilang bibihagin. Nang tugisin ng military, tatlo na lamang ang kanilang natangay na kinabibilangan ng mga police officers. Isang nagngangalang Commander Bravo ang sinasabing namuno sa pagsalakay.

Noong April 1, 2003 nakatakda na sanang mag-usap ang gobyerno at MILF para mawakasan na ang engkuwentro. Ilalatag ang mga balak para makabuo ng pangmatagalang solusyon. Sa pulong na ginawa sa Kuala Lumpur, Malaysia, lumutang ang bilyong dollar na package para maibangon ang nalugmok na lugar bunga ng enkuwentro. Ang Malaysian government ang nag-brokered para mag-usap ang gobyerno at MILF.

Lagi namang nakahanda ang gobyerno sa pag-uusap sa kapayapaan subalit hindi naman nalalaman ng MILF ang kahulugan ng kapayapaan, patraidor ang kanilang pagsalakay at madalas ang mga sibilyan ang kanilang pinupuntirya. Gaano karaming sibilyan na ang namatay bunga ng pagsalakay. Maraming residente ang puwersahang lumilikas sapagkat natatakot na sila sa pagsalakay ng mga rebelde. Tiyak madadamay sila at kapag nagipit sa labanan, sila ang ginagawang pananggalang.

Hindi na dapat mag-aksaya ng oras sa pag-uusap sa kapayapaan na sa dakong huli, wala ring saysay at traiduran lang ang hahantungan.

ANG MALAYSIAN

COMMANDER BRAVO

EID KABALU

ISANG

KUALA LUMPUR

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NOONG APRIL

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with