^

PSN Opinyon

Aksidente sa highway

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Gerry ay may-ari ng isang Isuzu Elf na ginagamit niya sa pampasada at pambagahe. Minsan ay kinontrata siya ng isang banda para sa isang fiesta. Nakaalis na sila ng alas dose ng hatinggabi. Nakainom na si Gerry ng tatlong bote ng beer kaya mabagal ang kanyang pagmamaneho at dahil na rin sa madulas at madilim ang daan. Sa kanilang dadaanan, isang grupo naman ng 65 police trainees ang tumatakbo. Lahat ay nakasuot ng itim na t-shirt, itim na shorts at itim at berdeng sapatos. Sa hulihan ng grupong ito ang dalawang security guards na nakaharap sa mga dumarating na sasakyan upang magbigay ng senyales na iwasan ang kanilang linya.

Alas tres na ng madaling-araw nang binabagtas na ni Gerry ang kanang linya kung saan din tumatakbo ang mga police trainees, nang biglang magpailaw ang sasakyan sa kabilang linya. Nasulo si Gerry kaya binigyan niya ito ng senyales na hinaan nito ang ilaw subalit hindi siya pinansin. Napilitan siyang bawasan ang takbo ng kanyang truck mula 80 sa 60 kph. Subalit bigla niyang narinig ang mga kalabog sa kanyang sasakyan. At dahil madilim at takot sa nangyari umuwi na lamang si Gerry.

Nakita niya na nasira ang kanyang sasakyan. Nalaman din niya na nabangga niya ang mga police trainees. Hindi niya kasi nakita ng mga kaway ng kamay ng dalawang security guards kaya sunud-sunod niya itong nabangga. Labindalawa ang namatay, 11 ang malubhang nasugatan at 10 rin ang nagtamo ng sugat.

Nahatulan ng mababang hukuman si Gerry at nasentensiyahan ng kamatayan. Ayon sa Korte, napatunayang may intensyon si Gerry na tamaan ang mga police trainees dahil sa halip na tapakan nito ang brake ng kanyang truck nang una nitong marinig ang kalabog, nagpatuloy pa itong magmaneho. At dahil madilim ang lugar at nakainom pa si Gerry ng alak, may motibo raw itong takutin ang mga tumatakbo. Tama ba ang Korte?

MALI.
Ang Korte dapat ay nagkaroon ng maingat na pagsaalang-alang ng mga ebidensya kung ang parusa nito ay kamatayan. Kung gustong takutin ni Gerry ang mga tumatakbo, wala itong kriminal na intensyong pumatay kaya aksidente ang nangyari. Madilim din ang daan at itim ang mga kasuutan ng mga police trainees. Hindi rin napatunayan na ang pagpatay sa mga pulis ay may pulitikang dahilan. At kung may ebidensya man, hindi dapat mahatulan si Gerry sa kasong murder kundi dapat ay sa kasong rebelyon.

Dapat sana ay tinapakan ni Gerry ang brake ng sasakyan o kumaliwa sa kabilang linya nang marinig niya ang unang kalabog. Dapat din sana ay naging maingat ito sa pagmamaneho dahil madulas ang daan. At dahil napatunayang wala siyang pag-iingat, nahatulan siya sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide with serious and less serious physical injuries.

Ang kanyang sentensiya ay dapat na apat na taon hanggang 10 taong pagkakakulong; 10 bilang ng slight physical injuries na may dalawang buwang pagkakakulong bawat bilang nito at P50,000 bayad sa mga namatay (Pp. Vs. de los Santos 355 SCRA 415).

ANG KORTE

AYON

DAHIL

DAPAT

GERRY

ISUZU ELF

KANYANG

KORTE

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with