^

PSN Opinyon

Ilan pang asal sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
SA nayon, huwag hahangaan o bibigyan ng papuri ang maliliit na bagay sapagkat papalitan ng may-ari na ibigay ito sa iyo. Halimbawa, tanim, prutas, bulaklak at maliliit na hayop.

Hindi ko makakalimutan ang pagdalaw ng isang senador sa nayon. Sunud-sunod ang kanyang papuri sa isang manok. Hindi niya napansin, inilagay na pala sa compartment ng kotse ang manok.

Ganoon din ang isang Amerikano ng pumunta sa nayon. Pinuri niya ang isang tuta. Dinampot at niyakap agad. Ibinigay ng may-ari ang tuta. Tuwang-tuwa ang Kano.

Sa nayon ay huwag gagamitin ang hintuturo na paitaas sa pagtawag sa sino man. Ginagamit lang kasi ito sa mga api at mababa ang kalagayan, o kaya ay sumutsot na lang ng mahinahon at tawagin sa pangalan o kayang palayaw.

Sa nayon ay huwag tatawagin ang sinuman na tanga. Away ang hahantungan nito. Huwag din ihahalintulad ang isang tao sa hayop. Lalo na sa baboy o unggoy.

Huwag kalilimutan magpaalam bago umalis sa isang bahay. Ikaw ay tinanggap na maayos kaya dapat kang umalis ng maayos.

vuukle comment

AMERIKANO

DINAMPOT

GANOON

GINAGAMIT

HALIMBAWA

HUWAG

IBINIGAY

IKAW

ISANG

KANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with