^

PSN Opinyon

Ilang natuklasang asal sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NATUKLASAN ko na sa nayon ay hindi tamang buksan ang isang regalo na natanggap sa harap ng maraming tao. Dapat sa bahay ito bubuksan dahil baka mapahiya ang nagbigay kapag hindi maganda o mura ang regalo. Ito ay saliwa sa kultura sa ibang bansa. Sa ibang bansa ay dapat buksan sa harapan at bigyan ng papuri at paghanga. Dito ay ayaw mapahiya ang nagbigay.

Sa nayon din ay dapat iwasan ang pagwasto sa publiko ng pagkakamali ng isang tao. Huwag ipahihiya. Kung iwawasto ang tao, gawin kung dalawa lamang kayo at walang ibang nakikinig sa inyo.

Dapat din na pag-aralan ang ilang salita at kataga sa nayon. Ito ang pinakamadaling paraan para matanggap sa nayon at mapamahal sa kanila.

Huwag mangimi o matakot magkamali. Ito ang ituturing na malaking katatawanan at kasiyahan sa nayon.

Huwag magpapautang ng pera. Ang pagpapahiram ay kadalasang pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan. Kung kailangan ng pera para pambili ng gamot ibili mo ng gamot. Huwag ipautang dahil malamang hindi na mababayaran.

Huwag akalain na darating sa hustong oras ang kausap sa nayon, madalas ay hindi wasto sa usapan. Pero ipinamumulat ko sa mga taga-nayon ang kahalagahan ng pagdating ng tama sa oras. Ito ang dapat.

DAPAT

DITO

HUWAG

IBANG

KUNG

NAYON

PERO

TAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with