^

PSN Opinyon

Gringo may plataporma na

- Al G. Pedroche -
SERYOSO si Senador Gregorio "Gringo" Honasan na humabol sa vice presidency sa 2004. May plataporma na siya. Tinawag itong National Recovery Program. Pambansang pagbabangon.

Talaga namang lugmok ang ating bansa na dapat ibangon. At huwag ikatuwirang ito’y naiimpluwensyahan ng mga krisis sa daigdig. Matagal nang lugmok ang bansa hindi pa man nagsusulputan ang mga krisis na ito. Ang situwasyon ay lalung naglulubha sa pagdaraan ng mga araw. Dumarami ang mahihirap at isa sa dahilang nasisilip natin ay ang talamak na korupsyon sa gobyerno.

Kaya nakatawag pansin sa akin ang plataporma ni Honasan lalu na yung puntong paglansag sa graft and corruption sa gobyerno. Ipinapanukala ang kumpletong pagbalasa sa mga graft prone agencies tulad ng BIR, Customs at iba pang revenue collecting agencies. Siguro isama na natin diyan ang madalas nating batikusing Bureau of Immigration.

Reporma rin sa Pulisya at militar ang hirit ni Gringo para may panlaban ang bansa sa mga banta sa seguridad at kapayapaan.

Sasabihin siguro ng iba, "easier said than done." Totoo marahil. Kasi ang ganitong mga panukala’y narinig na rin natin sa ibang mga leader ng bansa. Ang problema, kapag naririyan na sila sa itaas ay kinakapos na ng political will para ipatupad ang kanilang mabuting plano.

Iba naman siguro itong si Gringo. Napansin ko kasi’y low-profile ang taong ito. Hindi katulad ng ibang politiko na mahilig sa grandstanding para maka-attract ng attention. Pero kahit low-profile ay kapansin-pansin ang magandang rating niya sa mga popularity surveys sa mga may ambisyon sa 2004.

Dahil nga sa mga bangayan ng mga politiko sa gobyerno’y napaparalisa ang operasyon. Sa mga proyektong pakikinabangan ng tao kinakapos ng pondo subalit sa perang inaaksaya sa pansariling luho’y bigay todo. Iyan ang malinaw na korupsyon na talagang dapat lansagin at durugin.

BUREAU OF IMMIGRATION

DAHIL

DUMARAMI

HONASAN

IPINAPANUKALA

IYAN

KASI

NATIONAL RECOVERY PROGRAM

SENADOR GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with