Lunas din ito sa mga babaeng namomroblema sa kanilang pagreregla. Mabisa din itong gamot sa lagnat, rayuma, insomnia at diabetes. Gamot din ito sa eksema, fungal infection at iba pang sakit sa balat kabilang na ang psoriasis. Taglay din nito ang sangkap na panlunas sa bukol sa suso at cancer of the uterus.
Ang dahon ng serpentina ay parang sili, pero mas makintab, may sukat na mula dalawa hanggang tatlong pulgada, may tulis sa dulo at berdeng-berde ang kulay. Ang bulaklak ay maliit na kulay puti. Itinatanim ito sa bakuran at mas lumalago sa malilim na lugar.
Isang kakilala ang nagpatunay na mainam ang serpentina sa pagpapababa ng blood pressure. Isang diabetic ang nagpatotoo na sa pag-inom niya ng sabaw ng nilagang dahon ng serpentina ay bumaba ang blood sugar niya.
Naalaala ko pa na noong pumutok ang Mount Pinatubo at nag-out-reach program kami sa Pampanga ay marami kaming nakaengkwentrong may skin diseases. Isang kasamahang social worker ang nagsabi na ang mga sakit sa balat ng evacuees ay pagagalingin ng serpentina. Tinawag niya ang isang kasama niya na nagsabi na epektibong gamot sa galis at iba pang skin diseases ang serpentina.