Tanong sa Rent-to-Own Program

Dear Sec. Mike Defensor,

Nalaman ko sa aking kaibigan ang Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG. Mula noon, sinubaybayan ko po ang inyong kolum dito sa Pilipino Star NGAYON.

Nais ko sanang malaman kung paano mag-aaply ng nasabing programa. Masyado kasi akong busy sa aking trabaho upang maihanda ko na ang aking mga kailangan.

Maraming salamat. – Aida ng Rizal


Sa mga nagnanais na mag-avail ng Rent-to-Own Program, kailangan po ninyong dumalo sa briefing o counselling na ginaganap tuwing Sabado alas-otso ng umaga sa Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Pagkatapos noon, bibigyan kayo ng Application Form at Checklist ng mga requirements. Magkakaroon po ng schedule ng pagbisita sa mga housing sites sa Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan. Maaari na kayong magpareserba ng inyong housing units. Sa unang nagpareserba lamang po maaaring maibigay ang lupang nais upahan. Pagkatapos nito, isumite na po ninyo ang inyong Offer to Purchase or Lease. Hintayin ninyo ang pagtanggap ng inyong alok at bibigyan na kayo ng karapatan na lumipat sa inyong housing unit. Kailangan lamang ninyong magsumite ng notarized Certificate of Employment, kontrata sa mga OFWs, Community Tax Certificate, ITR, ID at iba pang hihingiin sa inyo.

Show comments