EDITORYAL Paigtingin pa ang seguridad
March 14, 2003 | 12:00am
MULA Davao patungong Manila at iba pang lugar. Ganyan ang pagkalat ng terorismong hatid ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang dugong pinaaagos ng mga terorista sa Davao ay nais nilang paaabutin hanggang sa Metro Manila. Matapos ang pambobombang isinagawa sa Davao International Airport noong March 4, ang karahasan ay nagpapatuloy at hindi kakikitaan ng katiwasayan lalo sa pinangyarihan ng pambobomba. Noong Martes ng gabi, isang bomba ang natagpuan ng mga pulis sa isang pampasaherong dyipni. Umanoy limang lalaki ang sumakay ng dyipni at iniwan ang bomba na nakabalot sa isang plastic. Kung sumabog ang bomba marami na namang buhay ang masasayang katulad nang nangyari sa Davao airport na 21 katao ang namatay at 160 ang nasugatan.
Ilang araw makaraan ang pambobomba sa airport, isang pampasaherong bus ang hinoldap ng may 200 teroristang MILF at dalawang katao ang walang awa nilang pinatay. Isa sa pinatay ay sundalo ng army. Nang makita ang military ID ng sundalo ay binaril ito sa ulo. Ang isa pang biktima ay napag-alamang civilian volunteer. Dalawang pasaherong babae ang inutusan pa umano ng mga MILF na maghubad ng damit.
Kakatwa naman ang pahayag ng MILF sa panghaharang sa bus. Sabi nila, "Pinuprotektahan lamang namin ang mga sibilyan at baka sila maipit sa labanan." Itinanggi ng mga terorista na sila ay nagnakaw sa mga pasahero. Hindi raw nila gawain ang ganoon. Madalas ang tanggi ng mga teroristang MILF. Nang bombahin ang Davao Airport, ganyan din katigas ang kanilang pagtanggi at sa dakong huli sila ang lumalabas na salarin.
Ang sinimulan nilang pagsasabog ng lagim ay ipinagpapatuloy at lalo pa itong tumibay nang madiskubre ng Philippine National Police ang planong paghahasik ng lagim dito sa Metro Manila. Naaresto ng mga pulis ang isang Mariano Lomarda, 42, alyas Ahmad Lomarda. Si Lomarda ay hinihinalang miyermbo ng teroristang MILF. Matagal na umanong nagsasagawa ng surveillance sa mga lugar dito sa Metro Manila
Ang pagkakahuli ng mga pulis kay Ahmad ay magandang puntos sa mga pulis na hindi sila nagkukulang at laging nakahanda sa anumang gawain ng terorista. Nararapat pa nilang paigtingin ang pagbibigay ng seguridad sa mamamayan. Hindi dapat magpatulug-tulog sapagkat baka malusutan ng mga walang kaluluwang mga terorista.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest