Krusada laban sa 'narcopolitics'
March 12, 2003 | 12:00am
ELECTION na sa susunod na taon kaya napapanahon ang paglulunsad ng kampanya laban sa narcopolitics. Ano nga ba ang narcopolitics? Ito ay ang paggamit ng drug money para manalo ang mga kandidato na tinatangkilik ng mga sindikato ng droga. Pera ang punot dulo ng narcopolitics. Nagdudumilat ang katotohanan na may mga kumakandidato at nahalal na opisyal ng gobyerno na suportado ng drug syndicates at may pagkakataong mga drug lords mismo ang kumakandidato at ibinoboto. Kasabihan sa Ingles na money makes the world go round. Lumalabas na ang bawat isa ay may presyo kaya ang balota ay nababayaran at sa kalaunan ay mga drug lords na ang magkokontrol ng ekonomiya ng bansa.
Sa likod ng mga kaganapang ito ibat ibang samahang sosyosibiko ang nagkabuklod para masawata ang paglaganap ng narcopolitics at aktibo rito ang Volunteers Against Crime and Corruption ni Dante Jimenez, Equal Justice For All ni Atty. Leonard de Vera at ang Rosebud Against Illegal Drugs (RAID) na inilunsad ni Mary Ong a.k.a. Rosebud. Matatandaan na malaking bagay ang pagsisiwalat sa Kongreso ni Rosebud ng tungkol sa illegal drug na sangkot ang ilang matataas na pinuno ng pamahalaan.
Layunin ng krusada nina Rosebud na maiwasang manalo ang mga pulitikong suportado ng mga sindikato sa droga. Nanawagan sila ng ibayong suporta ng pamahalaan at political will ng sambayahang Pilipino laban sa narcopolitics. Sinabi ni Rosebud na kung makikialam lamang ang tinatawag na silent majority ay tiyak ang tagumpay ng kanilang krusada. Naglunsad na sila ng massive educational and information campaign laban sa narcopolitics sa ibat ibang dako ng kapuluan.
Ang BANTAY KAPWA ay nakikiisa sa krusada laban sa narcopolitics.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended