Tanong sa Rent-To-Own Program
March 9, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Madalas kong mabasa sa inyong kolum ang tungkol sa Rent-to-Own program ng Pag-IBIG. Kayat naglakas loob akong sumulat sa inyo dahil isa sa libu-libong mga kababayan natin na nagnanais magkaroon ng sariling lupa at bahay dito sa Kamaynilaan.
Saan-saan ba ang mga available housing sites at magkano ba ang kailangan kong ihulog sa aking renta sa bahay? Tuwing kelan ako magbabayad? Hanggang kailan ko maaaring gamitin ang aking option to purchase? Bibigyan ba ako ng diskuwentro pag binili ko ang aking rirerentahan? Glenda ng Laguna
Ang Rent-to-Own Program ay programang inilaan sa ating mga kababayan na hindi pa makayanang maghulog ng buwanang amortisasyon. Binibigyan din sila ng kaseguruhan na mabili ang lupa at bahay na inuupahan sa loob ng limang taon.
Sa ngayon, mayroon tayong mga available housing units kagaya ng duplex, rowhouse, single detached at townhouse bandang sa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal. Ang presyo ng mga bahay na ito ay mabibili sa pinakamababang halaga na P180,000 pataas.
Ang programang ito ay bukas sa lahat, miyembro ng Pag-IBIG o hindi. Kung nagnanais na mag-avail ng programang ito, magkakaroon po kayo ng kasunduan ng Pag-IBIG, ito ay tinatawag na Contract of Lease with Option to Purchase (CLOP). Kailangan lamang po ninyong magbayad ng isang buwan na paunang bayad at dalawang buwan na deposito pagkapirma ng nasabing kontrata. Ang bayad mong buwanang renta ay bago o tuwing ikadalawampu ng buwan.
Sa panahong magdesisyon na bilhin na ang inuupahan, bibigyan kayo ng 5 percent diskuwento sa presyo ng lupa at bahay pag ginamit po ninyo ang option to purchase sa una at ikalawang taon ng pangungupahan at 3 percent sa ikatlo, ikaapat at ikalimang taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest