Natuwa ako at silay balik sa broadcasting. Batid ko na marami rin ang nasisiyahan dahil sa maraming magagandang bagay na mapupulot bilang dagdag kaalaman. Bukod sa paghahalaman, patubig at problema sa El Niño at modernong farm Technology ay tinatalakay din nila ang tungkol sa nutrisyon, ekonomiyang pantahanan at mga programang pangkabuhayan at pangkalusugan.
Mahusay ang komentaryo sa mga paksang pagsasaka ni Joe Burgos at ang Buhay Bukid-Buhay Bahay na segment ni Edith. Malaking tulong sa mga homemakers gaya ng child care, family bonding, value formation pero ang pinakamaraming feedback ay ang mga tip sa pagluluto.
Si Joe Burgos ay journalism graduate sa UST. Naging police reporter at editor-publisher ng Malaya. Maraming parangal hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa na natanggap si Burgos.