"Usad-pagong na imbestigasyon ng Social Security System"
March 5, 2003 | 12:00am
SA ngalan ng serbisyo publiko, bibigyan namin ng daan ang liham na aming natanggap mula sa Iligan City, Lanao del Norte, Mindanao.
Agad tinawagan ng aking staff ang Social Security System (SSS) upang kunin ang status ng kanilang reklamo. Napag-alaman ng aming investigative team na hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng SSS ang kaso ng yumao.
Bagamat tumatanggap na ng pension ang asawa ng yumaong empleyado ng Iligan Coconut Industries Inc. (ILICOCO), humihingi ang kanyang pamilya ng dagdag na kabayaran sa kadahilanang namatay siya sa loob ng kanyang pinagtatrabahuhan at sa oras ng trabaho, kahit ang araw na iyon ay kanyang rest day.
Dear Sir,
Praise be Jesus and Mary!
Ako po si Marie Gumapon sa Sta. Filomena Iligan City, Lanao del Norte, Mindanao. Sumulat ako sa yo para isangguni ang problema ng ate ko na si Mrs. Lilian C. Lapating. Tungkol po sa kanyang kalagayan na namatay ang kanyang asawa sa pinagtatrabahuhan niya in-line of work.
Ang pangalan ng company ay Iligan Coconut Industries Inc. (ILICOCO) San Miguel Corporation na ang location ay sa Iligan City pa rin. Sir, sa pagkakaalam ko, ang mga pangyayaring ganito, dapat double compensation ang matatanggap.
Ang nangyari ngayon ay di pa niya natatanggap ang para sa kanya. Dahil ayon sa SSS-Iligan, ang mga documents niya ay nasa Legal Council pa ng SSS-Cagayan de Oro City. Alam mo Sir, namatay ang asawa ng ate ko last January 24, 1998, 5 years ago.
Sir, kaya naglakas loob akong tumawag sa iyong tanggapan para humingi ng tulong sa problema ng ate ko dahil lima ang anak niya na pinapaaral at hindi sapat ang tinatanggap niya buwan-buwan.
Tulungan mo naman ang ate ko dahil hirap na hirap na po siya. Sana matanggap niya ang dapat sa kanya o sa buong pamilya. At nagpapasalamat nga ako sa Pilipino Star NGAYON dahil natagpuan ko ang taong sa pagkakaalam ko ay hulog ng langit para sa amin.
Dahil sa pagbabasa ko ng PSN, nakita ko ang pangalang Ben Tulfo. Agad akong tumawag sa iyong tanggapan at salamat naman at hindi ipinagkait ng mga tauhan mo sa tanggapan.
Hanggang sa muli.
Lubos na gumagalang,
Marie Gumapon
Abangan! May karugtong.
Para sa mga tips, reklamot sumbong tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918) 9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong Pang-Masa (PM) tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang BITAG tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.
Email us: [email protected]
Agad tinawagan ng aking staff ang Social Security System (SSS) upang kunin ang status ng kanilang reklamo. Napag-alaman ng aming investigative team na hanggang sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng SSS ang kaso ng yumao.
Bagamat tumatanggap na ng pension ang asawa ng yumaong empleyado ng Iligan Coconut Industries Inc. (ILICOCO), humihingi ang kanyang pamilya ng dagdag na kabayaran sa kadahilanang namatay siya sa loob ng kanyang pinagtatrabahuhan at sa oras ng trabaho, kahit ang araw na iyon ay kanyang rest day.
Dear Sir,
Praise be Jesus and Mary!
Ako po si Marie Gumapon sa Sta. Filomena Iligan City, Lanao del Norte, Mindanao. Sumulat ako sa yo para isangguni ang problema ng ate ko na si Mrs. Lilian C. Lapating. Tungkol po sa kanyang kalagayan na namatay ang kanyang asawa sa pinagtatrabahuhan niya in-line of work.
Ang pangalan ng company ay Iligan Coconut Industries Inc. (ILICOCO) San Miguel Corporation na ang location ay sa Iligan City pa rin. Sir, sa pagkakaalam ko, ang mga pangyayaring ganito, dapat double compensation ang matatanggap.
Ang nangyari ngayon ay di pa niya natatanggap ang para sa kanya. Dahil ayon sa SSS-Iligan, ang mga documents niya ay nasa Legal Council pa ng SSS-Cagayan de Oro City. Alam mo Sir, namatay ang asawa ng ate ko last January 24, 1998, 5 years ago.
Sir, kaya naglakas loob akong tumawag sa iyong tanggapan para humingi ng tulong sa problema ng ate ko dahil lima ang anak niya na pinapaaral at hindi sapat ang tinatanggap niya buwan-buwan.
Tulungan mo naman ang ate ko dahil hirap na hirap na po siya. Sana matanggap niya ang dapat sa kanya o sa buong pamilya. At nagpapasalamat nga ako sa Pilipino Star NGAYON dahil natagpuan ko ang taong sa pagkakaalam ko ay hulog ng langit para sa amin.
Dahil sa pagbabasa ko ng PSN, nakita ko ang pangalang Ben Tulfo. Agad akong tumawag sa iyong tanggapan at salamat naman at hindi ipinagkait ng mga tauhan mo sa tanggapan.
Hanggang sa muli.
Lubos na gumagalang,
Marie Gumapon
Abangan! May karugtong.
Email us: [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended