^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Sayang lamang ang pag-uusap

-
NAKASASAWA na ang pag-uusap kuno para sa kapayapaan. Sa simula pa, ang gobyerno ay lagi nang naglalatag ng pagkakataon sa mga rebelde para mag-usap at matigil na ang walang katapusang labanan. Pero gaano na ba karami ang ginawang pag-uusap ng magkabilang panig na wala rin namang kinahinatnang magaling. Mag-uusap ngayon subalit bukas o makalawa ay magbabakbakan na naman. Balewala ang pinasimulan at pinag-usapan. Ang nangyayari ay plastikan ang pag-uusap kuno para sa kapayapaan. Maipakita lamang na nagharap pero pagtalikod ay nagsasaksakan. Umaagos din ang dugo kung saan-saan.

Dapat na rin sigurong mag-isip ang gobyerno sa pag-aalok nito sa Muslim at communist rebels para muling mag-usap sa kapayapaan. Lumalabas na ang gobyerno pa ang nakikiusap sa mga rebelde gayong hindi na naman karapat-dapat. Dapat nang magpakita ng tigas ang gobyerno sa pagkakataong ito.

Sinabi ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong Biyernes sa mga rebeldeng Muslim at komunista na tanggapin na ang alok na peace proposals ng pamahalaan para hindi sila maharap sa lalo pang madugo at walang katapusang labanan. Mariin ang pagkakasabi ng Presidente sa mga katagang iyon na tila ibig sabihin ay wala nang ibang mapagpipilian. Mag-usap o maglabanan na lamang.

May kaunting lambot pa ang pamahalaan sa estilo ng pakikitungo na para sa amin hindi na uso ngayon ang ganito. Ngipin sa ngipin na ang labanan ngayon. Tigas sa tigas. Matira ang matibay. Tigilan na ang paglalatag ng pagkakataon sa mga lumalaban sa pamahalaan. Wala nang puwang sa ganitong sitwasyon na ang pamahalaan na lamang ang tanging naaagrabyado. Nagpipilit ang pamahalaan pero patuloy na lumalabag ang kabilang panig.

Habang naglalatag ng pakikipag-usap, gaano karaming paglabag ang ginagawa ng mga rebelde. Ambush dito at assassinate roon ang ginagawa. Pinasasabog ang mga cell sites, nanununog ng mga bus at bahay, walang tigil ang paglusob sa mga army detachments at iba pang madudugong pagsalakay. Ang resulta’y mabigat: Maraming nasasayang na buhay at nawawasak na ari-arian.

Tigilan na ang pakikipag-usap ng gobyerno sa mga rebelde. Sayang lamang kung ganito rin lamang ang kahihinatnan ng lahat. Maging matigas na sana ang gobyerno sa pagkakataong ito. Ipakitang hindi sila nasisindak.

BALEWALA

BIYERNES

DAPAT

GOBYERNO

HABANG

IPAKITANG

LUMALABAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TIGILAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with