^

PSN Opinyon

Bitayin ang mga 'bampira'

- Al G. Pedroche -
NANINIWALA ka ba sa bampira? Ako naniniwala. Nakakasalamuha natin sila araw-araw. Matamis silang magsalita at madalas, kayang-kaya tayong paikutin lalo na kung nangangarap tayong maging milyonaryo sa mabilis na paraan.

Hindi sila supernatural beings na natutulog sa kabaong kung araw at naghahanap ng masisila sa gabi. Natutulog sila sa malambot na kutson sa silid nilang animo’y isang hotel suite. Pero ang lahat ng ginagastos nila sa kanilang luho at marangyang pamumuhay ay mula sa pawis at dugo ng kanilang mga nagagantso. Pambihira ang abilidad nila. Pati mga kilalang artista o mga kilalang tao sa lipunan at pamahalaan ay nagogoyo ng mga impaktong ito!

Kahit sarili kong nanay ay nabiktima ng halagang P600,000 ng ganitong investment scam na kung tawagin ay pyramid scheme. Natuwa siya dahil sa unang ilang buwan ay puro good ang mga chekeng P30,000 buwan-buwan na tinatanggap niya bilang tubo ng kanyang investment. Pero hindi nagtagal ay nagtalbugan na ang mga inadvance na tseke. Idinemanda niya ang bumiktima sa kanya pero ilang taon na’y wala pang promulgation at nakalalaya pa rin on bail ang manggagantsong ito.

Marami ang ganitong uri ng manloloko. Noong isang linggo, isa namang Ma. Teresa Santos ng MTS Trading ang nasakote dahil inireklamo rin ng sandamakmak na biniktima ng kanyang pyramid scheme. Bilyong piso na umano ang nakulimbat nito mula sa kanyang mga biktima na kinabibilangan ng mga kilalang tao na ang ila’y movie celebrities pa. Hinihinala pang may mga kasapakat itong matataas na opisyal ng Philippine National Police. Kaya takdang magsagawa ng lifestyle check sa mga police generals at iba pang opisyal ang National Police Commission para alisan ng maskara ang mga hinayupak na opisyal na pulisya na sangkot sa karumal-dumal na krimeng ito.

Economic sabotage iyan. Pati perang pinagpaguran sa disenteng paraan ng mga biktima nila’y dinambong nila. Angkop na parusa sa ganyang mga tao kapag napatunayang nagkasala ay BITAY!

Ano’ng opinion n’yo tungkol dito? I-text sa amin sa psn(space)fb(space)opinion, pangalan at address. I-send sa 211 (Smart at Talk N’Text) o 2333 (Globe at Touch Mobile)

ANGKOP

ANO

NATIONAL POLICE COMMISSION

PATI

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TALK N

TERESA SANTOS

TOUCH MOBILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with