EDITORYAL Gamot na may PPA: Ano ba talaga DOH?
March 3, 2003 | 12:00am
HINDI mawala ang isyu tungkol sa mga over-the-counter drugs na may sangkap na phenylpropanolamine (PPA). Karaniwang mga gamot sa ubo at sipon ang may sangkap na PPA at mabibili saanmang botika o kahit sa maliit na mga tindahan. Hindi na kailangan ang reseta ng doctor sa mga gamot na ito. Ang nakababahala ay ang bagong report na may anim na Pinoy ang namatay makaraang uminom ng mga PPA-laden medicines. Ang report ay ipinalabas ng National Poisons Control and Information Center (NPCIC). Sinabi ni Dr. Nelia Cortes Maramba, consultant ng NPCIC, nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang anim na fatalities na naging dahilan ng kanilang kamatayan. Iyan ay pagkaraan nilang gumamit ng mga gamot na may PPA.
May isang buwan na ang nakalilipas mula nang maging kontrobersiya ang tungkol sa mga PPA-laden drugs at tila wala namang gaanong paglilinaw ang Department of Health (DOH) tungkol dito. Una na nilang sinabi na walang katotohanan ang mga report na masama sa kalusugan ang mga PPA laden drugs. "Inconclusive" ang report, ayon sa DOH.
Subalit hindi sapat ang ganyang reaksiyon. Nararapat marinig sa bibig ng Health Secretary ang tungkol sa mga kontrobersiyal na gamot. Nararapat ding ma-identify ang mga PPA-laden drugs.
Ang pagbabawal sa mga gamot na may PPA ay unang inihayag ng United States Food and Drug Administration (USFDA). Lumabas sa pag-aaral sa Yale University na ang mga pasyente ay dumanas ng hemorrhagic clot makaraang gumamit ng PPA laden drugs.
Subalit sinabi naman ng Bureau of Foods and Drugs na delikado lamang ang PPA kung mataas ang dosage. Ganito rin ang opinion ni DOH Sec. Manuel Dayrit. Aniya, may 40 taon nang ginagamit sa Pilipinas ang mga gamot na may PPA subalit wala namang masamang epekto sa mga Pinoy.
Ang isa pang nakahihindik na report ay nang sabihin ng NPCIC na ang PPA ay may katulad na physiological effect kagaya ng methamphetamine hydrochloride o shabu. Ang paniniwalang ito ng NPCIC ay kakatwa namang kaisa ng paniniwala ni Dayrit na ang PPA ay maaari ngang maging hallucinogenic drugs, katulad ng "Ecstacy".
Lumalawak ang kontrobersiya sa PPA laden drugs. Ibat iba ang opinion, marami ang bumabatikos, marami ang nagtataka. Ano ba ang totoo? Ang DOH lamang ang tanging makapaglulusaw sa tunay na misteryo ng PPA. Ipaalam sa taumbayan ang katotohanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest