^

PSN Opinyon

Martial law na naman ba?

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
PINAG-IISIPAN nang mabuti ng pamunuan ng Philippine National Police, partikular na ang pinuno ng National Capital Region District Office NCRDO, si Director Reynaldo Velasco, ang pag-iimpose ng curfew para sa mga kabataang ang edad ay "below 18." Ano? Parang martial law na naman.

Mariing sinabi ng isa kong kasama. "We cannot impose curfew nationwide. Kailangan ang mga City Mayors ang magpasa ng ordinance to this effect. That people who are below 18 yrs. of age are not allowed to roam the streets or public places after, let’s say midnight up to a certain hour before sunrise." Paliwanag ni Director Velasco, chief ng NCRDO.

Dinagdag pa ng kanyang Chief of Staff na si Sr. Supt. Ernesto Belen na kailangan ding kasama sa City Ordinance ang corresponding penalty sa mga menor de edad na mahuhuling gumagala-gala at lumalabag sa curfew hours.

Noong 1972, nang ang diktador na si Ferdinand Marcos ay nagdeklara ng Martial Law, o Proclamation 1081. Kasama rito ay ang panghuhuli sa mga tao, maski na nasa tamang edad, kapag sila’y nasa lansangan lampas ng hatinggabi hanggang alas kuwatro ng umaga. Dito nga nauuso ang STAY-IN. Ang inyong lingkod ay isa sa mga martial law teenagers at ang nangyari ay nag-aantay kami matapos ang curfew bago umuwi. Ang mahuli, depende kung saan lugar, pero kung sa Metro Manila ay sa Camp Panopio compound ka dadalhin at pagdating ng umaga, paglilinisin ng kampo, pagwawalisin at pag bubunutin ng damo. Nakakatawang makakita ng mga dalaga na nakasuot pa ng gown o mini skirt na naglilinis ng kampo hangang tanghali bago ka pakakawalan. Ilalagay ang pangalan mo sa isang log book at sa susunod na paglabag mo sa curfew, mas mabigat na ang parusa mo.

Pinagdaanan na natin ang mga sitwasyon na ganun. Ang pino-propose naman ngayon ng PNP sa pangunguna ni Director Rey Velasco ay ipatutupad lamang ito sa mga siyudad na may City Ordinance imposing curfew on minors. "Actually, Tony, this is geared to protect our youth from criminals who roam out streets and commit crimes. Based on statistics, most of the crimes are committed during nighttime and this is one way of protecting our youth," paliwanag ni Director Velasco.

Kung susuriin natin ay walang masama sa proposal na ito. Maganda ring magkaroon ng curfew para sa mga minors sapagkat ano nga naman ang gagawin ng isang minor sa lansangan sa hatinggabi hanggang madaling araw? Dapat ngang nasa bahay ang mga ito kung saan mabibigyan natin ng proteksyon sa halip na nasa lansangan na kasama ang kanilang barkada. Sang-ayon ako dito dahil na rin sa lumalang peace and order situation ng ating bansa dala ng economic crisis na masasabi mong "GLOBAL".

Meron din akong kilalang mga magulang na lumalapit sa akin dahil matigas ang ulo ng kanilang mga anak na lalaki at babae, maski ang mga ito ay kinse anyos, pa lamang. Isa nga d’yan ay nalululong sa bilyar kung saan hanggang madaling araw at sa ibabaw na ng mesa natutulog yung bata. Kailangang maging mas "vigilant" tayo bilang isang magulang. Hindi sapat yung inilabas natin ang ating mga anak sa mundong ito, kakambal nito ang responsibilidad sa Panginoon, sa kanila, sa ating sarili at pati na rin sa lipunan na gawin ang lahat para sa kanilang kabutihan sa abot ng ating makakaya. Maganda ring suportahan natin ang ating PNP kung maganda naman ang kanilang pinatutupad, gaya rin ng pagbatikos natin kung sa palagay natin ay malasado ang kanilang sistema.

"We will be asking our mobile units na mag-patrol sa buong Metro Manila sa mga oras na sakop ang curfew, kung makukuha namin ang cooperation ng mga Metro Manila Mayors sa proposal na ito," bigkas ni Sr. Supt. Belen, Chief of Staff ni Director Velasco. Dito sa palagay ko kailangan ang masusing supervision. Sa anggulong ito, kung minsan, hindi naman lahat ng pulis, meron tayo d’yan na may "tendency to abuse" ang kapangyarihan ibibigay sa kanila ng pamunuan ng PNP.

"This is where we will apply strict measures to any policeman who will abuse this and take it as an opportunity for personal gain and satisfaction," pangako ni Director Velasco.

Ito’y totoo, dahil nung mga panahong Martial Law, merong mga insidente na nagkaroon ng corruption sa curfew rules, lagayan, sexual molestations ng mga dalagang nahuhuli na nagba-violate ng curfew hours. Dapat din nating protektahan ang mga karapatan ng mga mahuhuling nagba-violate kung maipapatupad nga ang curfew hours sa ating bayan. Kayo mga mambabasa ng CALVENTO FILES, sang-ayon ba kayo kung kayo ang tatanungin sa paksa tungkol sa pagpapatupad ng CURFEW HOURS sa buong Kamaynilaan. Meron ba kayong mga suggestions o reaksyon tungkol sa paksang ito, na maaari nating iparating sa pamunuan ng PNP? Maari n’yong i-text sa akin sa 09179904918. Maaari rin kayong tumawag sa CALVENTO FILES 7788442.

Nagpapasalamat po ako sa mga nag-text sa tanong nating "Wanted: Bayani ng Bayan". Lumalabas na kung ang eleksyon ay gaganapin sa mga sandaling ito, si Senator Lacson ay makakukuha ng 213 votes, si Raul Roco ay 179 votes si Danding Cojuangco ay 118 votes. Malakas naman sa pagka-Bise Presidente si Loren Legarda na 254 votes, Juan Flavier 188 votes. Meron ding mga namili kina Bayani Fernando, Ka Eraño Manalo ng Iglesia ni Cristo at Bro. Mike Velarde. Hindi ko na po sinama ang pumili kay G. Fernando Poe, Jr., dahil ayaw naman tumakbo nung tao, kaya’t wag na nating pilitin pa at respetuhin natin ang kanyang kagustuhan. Salamat po sa inyong lahat.

CHIEF OF STAFF

CITY ORDINANCE

CURFEW

DIRECTOR VELASCO

KUNG

MARTIAL LAW

MERON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with